• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino, nananatiling ‘unsinkable’ kahit nawala sa telebisyon

Kris Aquino, nananatiling ‘unsinkable’ kahit nawala sa telebisyon

Ibinahagi ni Kris Aquino kung bakit di siya nag-renew ng kontrata noon sa ABS-CBN.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/31/2017 10:59 AM
Kris Aquino, nananatiling ‘unsinkable’ kahit nawala sa telebisyon


 

Nananatiling relevant and unsinkable ang dating Queen of All Media na si Kris Aquino kahit nawala siya sa dating home network niya na ABS-CBN.

Naisalba ang career ni Kris ng social media at nananatili siyang in demand bilang celebrity endorser. In fact, ang tawag nga sa kanya ngayon ay Queen of Online World and Social Media.

Sa interbyu niya sa People Asia Magazine para sa December 2017 to January 2018 issue ay ibinahagi niya ang totoong dahilan kung bakit hindi siya pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN.

“With ABS-CBN, I think it was my fault because when the contract was there, I should have signed it. It was a two-year deal guarantee and I didn’t sign it then.

“I didn’t sign at that point because that whole threat was real.” Ang tinutukoy ni Kris ay tungkol sa banta sa kanya at sa anak na si Bimby ng Abu Sayyaf Group noong 2016.

Nagpaalam si Kris sa kanyang morning show na Kris TV para na rin sa kaligtasan ng kanyang anak. Laging out of town si Kris para sa Kris TV shoot at delikado ito para sa kanilang mag-ina dahil sa banta ng terorista. Minabuti na rin niyang magbakasyon sa Amerika nung mga panahong yon para naman sa ilang health issues.

Pagbalik niya ng Pilipinas ay wala na ang kanyang show. Maging ang negosasyon niya kay Willie Revillame para maging part ng Wowowin ay hindi rin nag-materialize.

Ayon pa kay Kris, ipinagdasal niya sa Diyos na sana ay mabigyan pa siya ng second chance na makabalik as TV.

“Ang kapal ng mukha ko, I really asked God to please give me another chance,” sambit pa niya.

Pero kahit pa ganun ang mga nangyari sa kanyang TV career ay nananatiling “unsinkable” si Kris. Ano nga ba ang kanyang sikreto?

“It’s in my DNA!” lahad niya.

“I think that with my mom, you’re never allowed to feel self-pity. So, for me, I felt that if you’re closing avenues on me, I’m going to create my own skyway,” dagdag pa ni Kris.

Hanggang pinasok na nga niya ang digital world.

“Then you’ll realize that you cannot reinvent yourself by working with the same team. You have to go higher and team up with a new team that’s really young.

“Who is online? The millennials. They’re young,” patungkol ni Kris sa kanyang 9 young staff sa KCAP (Kris C. Aquino Productions).

Si Nicko Falcis ang bagong manager ngayon ni Kris. Siya ang responsible kung bakit ang earnings ni Kris sa digital media ay malapit nang malampasan ang kinita niya in traditional TV pagdating ng February 2018.

May blessing naman mula kay Boy Abunda ang paglipat ni Kris sa ibang manager.

“I don’t think I can learn the digital world. I don’t think I’ll be the right person to make the good deals for you. So I want to turn it over to others,” sabi ni Kuya Boy kay Kris.

Samantala, merong 3.2 million followers si Kris sa Instagram, 1.3 million sa Twitter at 80,000 plus sa YouTube. Pero take note, araw-araw itong nadadagdagan.

Endorser din siya ng 22 brands including San Miguel Corp., BDO, PLDT, SM Supermalls, National Book Store at marami pang iba. 

Sa simula ng 2018 ay magiging super busy agad ang taon ni Kris. Meron siyang five new deals for endorsements, five renewals (Chowking, Ulthera, Uni-Pak, LBC at Ariel) at six new webisodes. Sa live/active (digital) ay meron din siyang five– BDO, PLDT, Smart, National Bookstore at Nespreso). May tatlo ring under negotiations pa.

So, sinong magsasabing lumubog ang career at finances ni Kris noong 2017?