• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaganang 2017, ipinagpapasalamat ng ‘Ang Panday’ stars

Masaganang 2017, ipinagpapasalamat ng ‘Ang Panday’ stars

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/30/2017 9:55 AM
Masaganang 2017, ipinagpapasalamat ng ‘Ang Panday’ stars


 

Makulay at puno ng kasiyahan ang 2017 para sa ilan sa ating mga paboritong celebrities.

Gaya na lang ni 2016 Miss International na si Kylie Verzosa na isa sa mga leading lady ni Coco Martin sa 2017 Metro Manila Film Fest entry na Ang Panday.

Ayon kay Kylie, magical ang kanyang 2017 dahil sa maraming oportunidad na nagbukas para sa kanya sa nagdaang taon.

"Ang 2017 ko is magical. Aside kasi from winning Miss International, natupad ko ang dream ko to travel all over the world. I got my advocacy which is mental health and hopefully this coming 2018 maipagpatuloy ko pa din siya," sabi ni Kylie.

Para sa co-actor naman ni Kylie sa Ang Panday na si Jake Cuenca, magkahalong saya at challenge ang 2017.

Aniya, wala siyang maitatangi sa mga nagdatingang projects bilang artista at bilang co-producer ng kanyang naging entry sa Cinemalaya Film Festival.

"For me 2017 has been amazing! But, even amazing it has ups and downs pero for me project-wise lahat ng nakuha kong projects for 2017 have been amazing," pahayag ni Jake.

Para kay social media sensation na si Awra, ang pagkapanalo sa reality contest na Your Face Sounds Familiar at pagiging Super Ving ang maituturing na highlight ng kanyang 2017.

 

❣️

A post shared by Awra Briguela ® (@awrabriguela) on

"Napaka-happy ko po 2017, andami ko ginawa. Nag-Your Face Sounds Familiar ako, nanalo ako doon. Nag-Super Ving ako then lahat ng projects ko naging successful," pahayag ni Awra.