• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales on being friends with ex Daniel Matsunaga: ‘He didn’t ask for forgiveness pero I’ve forgiven him na’

Erich Gonzales on being friends with ex Daniel Matsunaga: ‘He didn’t ask for forgiveness pero I’ve forgiven him na’

Erich Gonzales denies rumors linking her to director Paul Soriano.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/30/2017 10:54 AM
Erich Gonzales on being friends with ex Daniel Matsunaga: ‘He didn’t ask for forgiveness pero I’ve forgiven him na’


 

Sa Tonight with a Boy Abunda, diniin ni Erich Gonzales na walang magagawa ang mga nanliligaw sa kanya para “mapabilis” ang pag-oo niya sa isa sa kanila. “Trabaho po talaga yung priority ko ngayon. I mean love can wait naman. Hindi naman tayo nagmamadali and if kung gusto po talaga nila makakapaghintay sila. Walang pressure guys ha!”

Ano ang reakiyon niya sa sinabi ng kanyang ex na si Daniel Matsunaga na handa na itong makipagpakaibigan muli kay Erich? Ani Erich, “Ako po Tito Boy, he didn’t ask for forgiveness pero I’ve forgiven him na. Honestly, kung ako po yung tatanungin I don’t even want to talk about it kasi parang it’s all in the past and I live in the now, yung present po, yung future. And tapos na po yung chapter na yun sa buhay ko and I just want to move on, move forward and life goes on.”

 

Natanong din si Erich tungkol sa pagkaka-link niya sa direktor ng Siargao na si  Paul Soriano na asawa naman ni Kapamilya actress Toni Gonzaga. Reaksiyon ni Erich, “Katulad po ng sinabi, hindi po talaga maiiwasan yun. Lagi naman po pati artista, kahit na sino po. Yung mga intriga parte na po yan ng industriyang ito.”  Pagdiin ni Erich tungkol sa isyung ito, “Hindi po totoo.”