Ano nga ba ang tatlong birthday wish ni Alden Richards?

May ibinahagi din si Alden Richards tungkol sa open letter issue ni Maine Mendoza.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/30/2017 9:49 AM
Ano nga ba ang tatlong birthday wish ni Alden Richards?


Photo credit to Alden Richards FB

 

Bago matapos ang taong 2017 ay binigyan ng pa-Christmas party ni Alden Richards ang entertainment press na nakatulong sa kanya na ginanap sa kanyang Conchas Restaurant na nasa Tomas Morato, Quezon City.

Dahil sa pagpapahalaga ni Alden sa entertainment press ay puring-puri siya ng mga dumalong media people. At least, marunong daw mag-give back si Alden at hindi siya kagaya ng ilang sikat na artista na hindi man lang maalala ang press kapag dumarating ang Pasko.

Nagpa-raffle din si Alden sa post-Christmas party niya, nagkaroon ng short tsikahan at nakipag-selfie pa sa taga-media.

Kagagaling lang ni Alden sa Japan kasama ang kanyang pamilya para sa isang bakasyon. Doon na rin sila nag-celebrate ng Christmas.

“Galing po akong Japan, nine days po kami, nagpunta po kami ng Fukuoka and then, Tokyo. Bale first out of the country po na bakasyon ng family, so nag-enjoy po lahat, especially me.

“Kakauwi lang po namin, and then, marami po kaming napuntahan,” simulang kwento ni Alden sa PUSH.

Ayon pa kay Alden, naging napakaganda ng taong 2017 sa kanya kaya ipinagpapasalamat niya ito.

“Ang dami pong dumating na blessings. At saka eto po, ‘yung restaurant ko po na for next year po ay available na po for franchising, so palalakihin na po namin siya,” pagmamalaki pa ng binata.

Dagdag ni Alden, “And then, endorsements po, still marami pa rin pong nag-renew for this year and next year.”

Kaarawan ni Alden sa January 2, 2018 at may nakaplano na raw siyang gawin para sa naturang okasyon.

“Magkakaroon po ako ng konting birthday celebration para sa fans on January 6, sa Enchanted Kingdom.”

Eh, ano ba ang kanyang birthday wish?

“’Yun po, ‘yung katulad ng isinulat ko sa Instagram stories ko – peace, continuous blessings po, saka stability.

“Simple lang naman po. Wala naman po akong masyado nang hinahanap. I’m very much contented na po with everything,” pahayag niya.

Samantala, halatang iniiwasan ni Alden ang magbigay pa ng comment tungkol sa open letter issue ni Maine Mendoza pero kahit paano ay nagbigay pa rin naman siya ng maikling statement.

“’Yung kay Maine po, maraming gustong magtanong, pero eto na lang po ‘yung gusto kong sabihin with regards to everything. Nag-usap po kami bago siya umalis (patungong US). And I’m very happy that she’s having fun, spending the holidays with her family sa abroad.

“And the same thing din na nangyari rin po sa akin, I’ve got to spend time with my family na parang we really both deserve those breaks apart from everything po,” huling pahayag ni Alden.