Is Dennis Trillo "The One" for Jennylyn Mercado?

Handa na bang lumagay sa tahimik ang aktres anytime soon?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/4/2017 1:56 AM
Is Dennis Trillo


 

Hindi pa nakikita ni Jennylyn Mercado ang kanyang sarili na magpapakasal sa boyfriend na si Dennis Trillo in the near future.

Ani Jennylyn, “Wala pa… wala pa kami sa ganung stage.”

Marami pa raw siyang gustong gawin at ma-accomplish kaya ayaw pa niyang magpatali.

“Kumbaga, ano pa ko, hindi pa ako okay. Marami pa akong gustong ma-accomplish. Marami pa akong gustong gawin. Maliit pa rin ‘yung anak ko, kailangan niya ako,” katwiran pa ng aktres.

Bida si Jennylyn at Derek Ramsay sa Metro Manila Film Festival movie na All Of You ng Quantum Films na tungkol sa pakikipag-relasyon at pag-aasawa ang istorya. Very relatable sa status nilang dalawa ngayon ni Dennis, huh!

Eh, what if yayain na siyang magpakasal ni Dennis para magkaroon na siya ng katuwang sa buhay? Ano ang gagawin niya?

“Wala pa, matagal pa ‘yun,” giit niya. “Wala yan, matagal yan,” dagdag pa niya.

Nakikita ba niya na si Dennis na talaga ang magiging mister niya?

"Sa ngayon, nag-i-enjoy lang talaga kami, wala pa, wala pa. Sasabihin ko sa inyo kapag ano,” natatawa niyang sagot.

Eh, how about pakikipag-live-in with Dennis? Okey ba ang ganung set-up sa kanya?

“Kanya-kanyang desisyon naman ‘yan, pero sa akin, para sa akin, ah… ang hirap ng tanong, ha-ha-ha,” sabay tawa ng aktres.

Dugtong nito, “Sa ngayon, wala pa talaga, eh. Wala pa ako do’n sa ano na ‘yun. Kasi may anak ako, eh. So, gusto ko, nasa bahay ako, kasama ng anak ko.

“Kasi ako lang naman ang nanay niya, di ba? Wala naman kaming ibang kasama sa bahay. Wala na rin si lola (Mommy Lydia Mercado), so as much as possible, gusto ko, ako ‘yung nasa bahay, nasa bahay lang kaming dalawa.”

Samantala, speaking of All Of You, masaya si Jennylyn na muli niyang nakatrabho si Derek na naging leading man niya three years ago sa MMFF movie ring English Only, Please. Yon nga lang, mas nag-level-up daw ang pelikula nila ngayon pagdating sa love scenes.

Nilinaw din ng aktres na wala siyang sama ng loob kay Jericho Rosales na dapat sana ay original leading man niya sa All Of You. Nag-back out si Jericho noong September sa role matapos pumanaw ang kanyang ama. Nag-apologize naman ang aktor kay Jennylyn at sa direktor ng pelikula na si Dan Villegas at sinabing di na niya kaya ang hinihingi ng pelikula.

“Naiintindihan ko naman yung mga ganung bagay. Valid naman yung reason niya kaya wala namang problema,” huling pahayag sa PUSH ni Jennylyn.

Huling nagtambal si Jennylyn at Jericho sa 2015 Metro Manila Film Festival entry at award-winning film na Walang Forever.