Which celebrities took on iconic Pinoy roles this 2017?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/29/2017 10:57 AM
Which celebrities took on iconic Pinoy roles this 2017?


 

Sa pagtatapos ng 2017, muli nating balikan ang ilan sa mga bagong henerasyon ng actor na gaganap sa mga iconic Pinoy characters at sa mga bagong role ng ilang artista sa likod ng camera

Una na dito ang legendary role ng yumaong Fernando Poe Jr na ang Panday na binigyang buhay muli ng idolo ng masa na si Coco Martin.

 

😉😉😉

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Si Coco ang ika-tatlong aktor na gaganap bilang Panday pagkatapos ng Da King FPJ at ni Bong Revilla Jr.

Ang Panday ang isa sa mga pelikula na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival.

2017 din nang ianunsyo ng Star Cinema ang muling paglipad ng iconic superhero na si Darna sa katauhan ng 19-year-old actress na si Liza Soberano.

Si Liza ang napili ng Star Cinema at ng pamilya Ravelo para sa role ng Darna matapos ipasa ito ni Angel Locsin na nagka-problema noon sa kalusugan.

Bukod sa Ang Panday at Darna, isa din sa inaabangan ngayon ang muling pagbabalik ng Pinoy comic character na si Pedro Penduko sa katauhan ng Fil-Australian aktor na si James Reid. Nauna nang gumanap bilang Pedro Penduko sina Janno Gibbs at Matt Evans.

Inaasahan na sa huling bahagi 2018 ay maipapapalabas ang pelikula.

 

James Reid IS Pedro Penduko! 🔜🔜 🎬 #EpikStudios #HistoryConPh @jaye.wolf

A post shared by VIVA ARTISTS (@vivaartistsagency) on

Bukod sa iconic roles na ipinakilala nitong 2017, matunog din ngayong taon ang mga roles sa likod ng camera ng ilang mga celebrities.

Una na dito ang hunky kapamilya actor na si Piolo Pascual na isa ng producer.

 

KABAYAN 200 MILLION NA TAYO TODAY!! ❤️🍌 Mula sa Lahat ng bumubuo ng KITA KITA Maraming maraming salamat po sa inyong lahat Kabayan!! Maraming Salamat sa pagmamahal niyo sa Kita Kita! Maraming salamat na pinagkatiwala niyo sa KITA KITA ang 1hour and 30mins ng buhay niyo. Salamat sa lahat ng nag ingay, salamat sa lahat ng nag imbita na akala mo party niya, salamat sa mga comments and intense na essay niyo sa pelikulang ito na parang may reflection paper na ipapasa. Salamat dahil nag effort kayo. Salamat dahil sa pelikulang ito lahat tayo naging blogger/ movie reviewer. Intense kayo Kabayan! (Nababasa po namin ang lahat ng comments niyo. At sobrang taba ng puso namin dahil dito) Cheers pareng sapporo, Salamat sa puso, saging, at repolyo 😉 higit sa lahat Salamat sa kuwento niyo Lea at Tonyo ❤️🍌 #KitaKita #alempoyfever #CertifiedMegaBlockbusterWeek #thankyouLord #ombeoriginal

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual) on

Isa si Piolo sa mga produser ng hit movie na Kita Kita na pinagbidahan nina Empoy Marquez at Alessandra De Rossi.

Producer, director, at writer ang mga bagong role ni Coco Martin para sa Ang Panday.

Sumubok din maging producer ang kapamilya actor na si Gerald Anderson sa action movie na AWOL. Naging kalahok ang pelikulang ito sa unang Pista ng Pelikulang Pilipino kung saan si Gerald din ang nag bida.

First time producer din sa pelikulang Requited na naging kalahok sa Cinemalaya ang aktor na si Jake Cuenca.

Bukod sa movie producing, aktibo din bilang screenplay writer si Bela Padilla sa hit movie na 100 Tula Para kay Stella at Last Night.

First time writer si Alessandra De Rossi para sa pelikulang 12 kung saan siya nagbida kasama ang kanyang bagong kapareha na si Ivan Padilla.

Bright Bulb Productions naman ang pinag kakaabalahan ngayon ng magkaibigang Angelica Panganiban, Sam Milby, at John Prats na humahataw ngayon sa pag produce ng mga music videos.

 

Congratulations @moirarachelle for bagging the Grand prize of Himig Handog 2017👌🏼 #HimigHandog2017

A post shared by Brightbulb (@brightbulbproductions) on