What are the movies you should expect in 2018?

Here’s a rundown of the movies set to premiere next year.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/29/2017 10:44 AM
What are the movies you should expect in 2018?


 

Labis na kinasasabikan ngayon ang mga paparating na mga pelikulang nakatakdang ipalabas sa 2018. Mga tambalan na kakaiba ang papel ang mas nag pa-excite sa mga fans.

Una na dito ang Dalawang Misis Reyes na pagbibidahan nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban. Inilabas na ang unang trailer nito kung saan napansin agad ang chemistry ni Juday at Angge.

Bagong tambalan din for 2018 ang handog nina James Reid at Sarah Geronimo sa Miss Granny sa direksyon ni Joyce Bernal.

Kasunod ang Buy Bust movie na pinagbibidahan ni Anne Curtis. Ayon kay Anne, kakaibang karakter ang kanyang gagawin dito at matitinding eksena ang aasahan sa kanya ng mga manunuod.

Balik pelikula din ang tambalan ng JaDine na sina James Reid at Nadine Lustre para sa pelikulang Never Not To Love You. Sa mga unang movie stills na inilabas sa social media, labis na nasabik agad ang mga JaDine fans na matagal na naghintay ng bagong proyekto ng kanilang mga idolo.

Maugong din ang usap-usapan ng pagsasama nina Piolo Pascual at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa isang romantic comedy movie.

Ayon kay Piolo, looking forward siya ba makatrabaho si Pia sa isang proyekto.

"While they're working on the concept of the movie tatapusin ko muna yung soap," sabi pa ni Piolo.

Kasado na din ang pelikula ni Piolo kasama si Shaina Magdayao para sa Panahon ng Halimaw na isang obra ni Lav Diaz na may shoot pa sa Malaysia.

Inaabangan na din ang mga iconic superheroes gaya ng Darna na pagbibidahan ni Liza Soberano at ng Pedro Penduko ni James Reid na kapwa naka-schedule umpisahan ngayong 2018.

First quarter of 2018 naman magsisimula ang shooting ng horror movie Eerie kung saan magsasama sa unang pagkakataon sina Bea Alonzo at Charo Santos.

Dahil nagtabla bilang Best Actress sa 2017 Star Awards for movies sina Nora Aunor at Vilma Santos, muling nabuhay ang tapatan ng dalawang movie queens. Balitang pinaguusapan ang posibilidad na magsama sila sa isang proyekto kung mayroong materyal na babagay sa kanila.