• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinoy game developer, proud sa tagumpay ng ‘Ang Panday’ app

Pinoy game developer, proud sa tagumpay ng ‘Ang Panday’ app

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/29/2017 10:49 AM
Pinoy game developer, proud sa tagumpay ng ‘Ang Panday’ app


Photo credit to angpandaygameapp IG

 

Kasabay ng pamamayagpag sa takilya ng isa sa mga pelikulang kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival na Ang Panday, hataw din ngayon ito sa smartphone users dahil sa game app na likha ng mga talented Filipino game developer.

Kamakailan ay trending sa Google store ang game app na orihinal na konsepto ni Coco Martin at ng ASI Studios na siyang nag-develop ng app.

Ayon kay Jackeline Chua, ang Managing Director ng ASI Studios, positibo at maganda ang reception ng Ang Panday game app.

 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

"Maganda ang reception. Everyday may nag da-download and ang maganda po dito ay na entertain din natin ang mga bata which I think yun naman talaga ang goal nila Mr. Coco Martin. At ito po ay naisipan ng grupo ni Mr. Coco para mas madaling maabot ng mas maraming kabataan ang Ang Panday," sabi ni Jackeline.

Maituturing man umano na baguhan ang mga Pinoy sa paglikha ng gaming apps, sinigurado naman ni Jackeline na world class ang kalibre nito at kayang makipagsabayan sa mga internationally developed game app.

"Actually dito sa Philippines yung game industry ay napakabata pa, wala pang sampung taon. And for Philippine IT ngayon pa lang po tayo gumagawa ng ganitong kalaking game app kagaya ng sa Ang Panday kagaya ng iba. Excited din kami kasi Ang Panday sa atin po ito eh. Kahit papaano masasabi natin na sa atin at oras naman natin para ipakilala ang sariling atin," pahayag pa nito.

Bukod sa Ang Panday gaming app, kilala din ang ASI Studios bilang award-winning animation studio na nagtagumpay sa katatapos lang na Asian TV Awards. Nag-uwi sila ng award sa Best pre-school show category for 2017 para sa Tilda Appleseed at sa Best in 2D Animation for George of The Jungle.

Sa ngayon looking forward din ang ASI studios sa nalalapit na pag papalabas ng Barangay 143 na kauna-unahang animated teleserye kung saan bibigyang boses ang mga karakter ng mga Pinoy celebrities gaya nila Jasmine Curtis, John Arcilla at Cherie Gil.