• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Matsunaga, itinangging na-trauma sa relasyon nila ni Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, itinangging na-trauma sa relasyon nila ni Erich Gonzales

Daniel Matsunaga masayang-masaya sa kanyang love life ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/29/2017 10:23 AM
Daniel Matsunaga, itinangging na-trauma sa relasyon nila ni Erich Gonzales


 

Kahit na gustong gawing pribado ni Daniel Matsunaga ang kanyang love life at pakikipagrelasyon sa Polish girlfriend na isang modelo na si Karolina Pisarek ay wala daw siyang choice kung napapansin ito ng publiko dahil isa siyang celebrity.

“Hindi naman sa open, sometimes we can’t avoid to have pictures and everything, eh,” reaksyon ng Kapamilya actor.

Patuloy ni Daniel, “Instagram is just part of my story and I have nothing to hide naman–no shame, no anything.

“I’m very proud with who I am and Karolina, she’s super nice. I just met her family din and she’s an amazing person outside and inside. So, why not post my stuff with her?”

Pero kung siya raw ang masusunod, gusto sana niyang gawing pribado ngayon ang kanyang love life.

“As much as possible, siyempre gusto ko ring maging private konti yung relationship namin, so at least, we have something for the two of us lang and it’s not open to everybody. Sometimes, it’s good to be private konti,” sambit niya.

Na-traumatize ba siya sa huling relasyon with Erich Gonzales na masyadong publicized?

Aniya, “Hindi naman traumatized, eh. Hindi ganun.”

“There are lots of judgmental people lang pero there’s nothing you can do, it will happen every time. The maximum I can do is to pray for those people because they don’t really know me naman.

“Right now I’m very happy sa lahat. Sa lahat ng blessings ko ngayon, sa family ko, sa love life ko, happy-happy lang palagi.

“Walang trauma naman, eh. Walang ganun. Everything that you have in the past you learned with it. Kahit mali o kahit anong nangyari, you become a better person. That’s how I take it–as an improvement sa sarili mo,” giit pa ng dating Pinoy Big Brother housemate.

Paano ba niya idi-describe ang kanyng love life ngayon?

“It was amazing!” pag-amin niya.

“Meron akong love life ngayon na sobra-sobra ang ganda niya at sobrang bait din. I want to focus on that muna,” sabi ulit ni Daniel.

Ano ba ang mga nakaplano sa kanya sa 2018?

“Wala pa naman. I heard from my management na I will have a movie from Regal, pero hindi ko pa alam kung matutuloy.

“I will suppose to do a teleserye also in ABS-CBN but they postponed a bit. I can’t mention it yet pero sa RSB unit yon,” pahayag niya sa PUSH.