• Home
  • Fresh Scoops
  • Solenn Heussaff, sanay na laging iniiwan ni hubby Nico Bolzico kapag Pasko

Solenn Heussaff, sanay na laging iniiwan ni hubby Nico Bolzico kapag Pasko

Solenn Heussaff sinabing wala pa sa plano nila magka-anak.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/28/2017 10:03 AM
Solenn Heussaff, sanay na laging iniiwan ni hubby Nico Bolzico kapag Pasko


 

Anim na buwan nang kasal si Solenn Heussaff sa asawang si Nico Bolzico pero aminado siyang wala pa sa plano nila ang magkaroon ng baby.

Aniya, “I need to work first. I have two nephews na makulit, okay na ako do’n.”

Puwede rin daw na dogs muna ang gawin nilang baby.

“Aso na lang muna,” natatawa niyang pahayag.

Dagdag pa ni Solenn, sa ngayon daw ay halos seven days a week ang kanyang trabaho dahil bukod sa tapings, may mga endorsement shoots pa siya.

Sobra ring ikinatutuwa ni Solenn na may mga endorsements sila ni Nico na magkasama.

“Ang dami naming endorsement now with my husband. ‘Yun lang ‘yung only time I get to see him. Buti nga, we work together now,” sey pa niya.

Mayroon silang Philamlife, Samsung, Cignal, Kenny Rogers, at kaka-sign lang daw nila sa Globe rin.

Kapag holiday season ay siya rin ang kinukuhang endorser ng CDO Premium Holiday Ham. Second year na niya actually ngayong taon.

Samantala, hindi nakasama ni Solenn na nag-celebrate ng Christmas ang asawang si Nico dahil umuwi ito ng Argentina para makasama ang pamilya.

“Dapat pupunta ako talaga. It’s part of my duty rin as a wife. Pero nung makita ko yung mga gagawin ko for next year, sabi ko kay Nico na it’s not yet time.

“May one week off ako, pero papuntang Argentina, 30 hours na yung trip. Not worth it na nandun lang ako ng four days,” kuwento pa niya.

Sanay naman daw siya na hindi nakakasama ang mister tuwing Christmas. Buti na lang daw at may modern technology na ngayon.

“Okay lang naman sa amin kasi siyempre his family nandun. And hindi naman ako selfish or possessive. Buong year nandito na siya sa akin. It’s just one month–every December,” kuwento pa ni Solenn.