• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kris Lawrence babalikan ang pagkanta ng mga hugot songs sa 2018

EXCLUSIVE: Kris Lawrence babalikan ang pagkanta ng mga hugot songs sa 2018

Kris Lawrence nag-react sa balitang may boyfriend na si Katrina Halili.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/28/2017 9:46 AM
EXCLUSIVE: Kris Lawrence babalikan ang pagkanta ng mga hugot songs sa 2018


 

Isa ang kantang “Kung Malaya Lang Ako” sa naging monster hit ni Kris Lawrence mula sa Star Records pagkatapos niyang manalo sa singing search na Star In A Million ng ABS-CBN.

Pero tila hindi yon na-sustain ng iba pang hit songs kaya masaya siyang ibinalita na sa bago niyang album na ilalabas sa January 2018 ay binalikan niya ang pagkanta ng mga hugot songs.

“Na-miss ko talaga kumanta ng mga hugot songs. I’ve been focusing on a new sound but I know I’m in the Philippines, so I know yung mga songs na nakakakonek sa masa is yung mga hugot, yung mga love songs,” simulang pahayag niya sa PUSH.

“Yung mga ganung kanta, hindi yon mawawala sa coming album ko. May Vehnee Saturno (song) po ako na parang katulad ng ‘Kung Malaya Lang Ako’ at ‘Ikaw Pa Lang’ na nagustuhan sa akin ng mga tao. Tapos puro OPM din yung mga songs ko don,” dagdag ni Kris.

Eh, bakit nga ba sa hindi niya na-sustain ng pagkakaroon ng maraming OPM hit sa music scene?

“Actually, the reason I think kung bakit nag-hit talaga yung ‘Kung Malaya Lang Ako’ was, one, because I was blessed to be part of Star Records. Two, naging part siya ng teleserye, yon yung feeling ko dahilan din kung bakit sobra siyang naging hit.

“So, I think the key is to have a teleserye hit. I think it has a big factor,” katwiran niya.

“A lot of the new songs that come out, maybe 4 out of 10 are hits from teleserye. That’s my personal opinion,” patuloy niKris.

Samantala, after eksklusibong ikuwento sa PUSH ni Kris ang dahilan ng paghihiwalay nila ng non-showbiz girlfriend kamakailan lang ay ikinagulat naman niya ang balitang may boyfriend na ng ex-GF niyang si Katrina Halili.

“Meron na siya? Meron na siya? Talaga?” paulit-ulit na tanong ni Kris sa amin.

Umaasa pa rin ba siya na magkakabalikan sila lalo pa ngayong single na siya ulit?

“Well, we don’t know what the future holds. In a perfect world, maganda kung ang family ay buo, pero as of now, right now I’m happy where our relationship is at,” sagot niya sa amin.

Dugtong ni Kris, “Like for example, every time naman nagte-text kami about Katie (anak nila ni Katrina) kung saan kami puwedeng mag-trouble shoot ( sa schedule).

“Like ako dito, kasi kailangan ni Katie ay English-English, mga ganun. She needs more words to speak to, so ako ang bahala don.

“Last week I wasn’t able to see her kasi December, maraming shows. Usually I have until mga 7 or 8 (in the evening). Hindi naman rules ni Kat yon but if I come late kasi late din matutulong si Katie, eh, 5 a.m. siya gigising. If I stay late, mahihirapan siyang gumising for school.

“So Kat said if you can come before 7 that would be the best thing. This week I wasn’t able to come so nag-sorry ako sa anak ko at sabi ko babawi ako after Ber months.”

Eh, what if may iba na nga si Katrina, anong mararamdaman niya?

“Ah… first I want to see kung totoo ba. Pero nakaka… My overall (reaction) is… I just want her to be happy. If that will make her happy, then I’ll support her.

“But you know, there’s always a little part of me that’s medyo… I mean, there’s a part of me na, yeah, if I see her with another guy, may konting kurot,” huling pahayag niya sa PUSH.