• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine Barretto, naging good Samaritan sa isang biktima ng pamamaril

Claudine Barretto, naging good Samaritan sa isang biktima ng pamamaril

Tinulungan umano ng aktres ang isang lalaking nabaril.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/27/2017 1:37 PM
Claudine Barretto, naging good Samaritan sa isang biktima ng pamamaril


 

Duguan matapos mabaril si Abelardo Espela at nakita ito ni Claudine Barretto sa isang ospital sa Marikina kung saan nagmamakaawa ang biktima dahil hindi umano sila tumatanggap ng biktima ng pamamaril.

Kwento ng kaanak ni Abelardo sa ABS-CBN News, (Claudine Barretto, tinulungan ang isang lalaking biktima ng pamamaril) isinakay ng aktres sa kanyang sasakyan ang biktima kahit na duguan ito at dinala siya sa ibang ospital kung saan kaagad siyang inoperahan.

Hindi pa nagsasalita si Claudine tungkol sa isyu.