• Home
  • Fresh Scoops
  • “Ang Larawan” tinanghal na Best Picture ng 2017 Metro Manila Film Festival

“Ang Larawan” tinanghal na Best Picture ng 2017 Metro Manila Film Festival

Itinanghal naman na Best Actor si Derek Ramsay para sa “All of You” at Best Actress si Joanna Ampil para sa “Ang Larawan.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/28/2017 12:23 AM
“Ang Larawan” tinanghal na Best Picture ng 2017 Metro Manila Film Festival


 

Kahit pa nagkaroon ng pag-pull out ng pelikulang “Ang Larawan” sa ilang mga sinehan a few days after magsimula ang Metro Manila Film Festival, vindicated naman ang pelikula nang iuwi nito ang Best Picture trophy sa 2017 MMFF Awards Night ngayong gabi, December 27.

Base sa isang play na isinulat ng National Artist na si Nick Joaquin, “Ang Larawan” ay pinagbidahan nina Rachel Alejandro, Joanna Ampil at Paulo Avelino. Naiuwi din ng pelikula ang awards para sa Best Musical Score, Best Production Design, pati na rin ang Best Actress para kay Joanna Ampil.

Humakot din ng awards ang pelikulang “Siargao” kung saan nanalo ng Best Director si Paul Soriano. Nakuha din ng “Siargao” ang awards for Best Sound, Best Original Theme Song, Best Editor, Best Cinematography, at Second Best Picture. Inuwi din ni Jasmine Curtis-Smith ang Best Supporting Actress Award para sa kanyang pagganap sa nasabing pelikula. 

Hindi rin naman umuwing luhaan ang “Deadma Walking” dahil nanalo ito ng award para sa Best Float at Best Supporting Actor si Edgar Allan Guzman.

Masaya naman si Derek Ramsay na naitanghal na Best Actor para sa kanyang pagganap sa “All of You,” na nanalo din ng award para sa Best Screenplay.

Nanalo naman ng special awards ang “Ang Panday” at “The Revenger Squad” ni Coco Martin at Vice Ganda respectively.

Napili naman bilang Male and Female Star of the Night sina Derek Ramsay at Erich Gonzales, na kapwa tumanggap ng twenty thousand pesos na cash prize.

Nagwagi din para sa Short Film Category ang “Noel” bilang People's Choice awardee at “Anong Nangyari Kay Nicanor Dante” para sa Best Picture.

Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng bagong disenyong tropeyo na likha ni Clifford Espinosa.

Narito ang buong listahan ng mga nanalo sa 2017 MMFF Awards Night:  

  

Best Float - Deadma Walking

Best Child Performer - Baby Baste (Meant To Beh)

Best Sound – Mikko Quizon (Siargao)

Best Musical Score – Ryan Cayabyab (Ang Larawan)

Best Original Theme Song - Alon by Hale (Siargao)

Best Visual Effects - Ang Panday

Best Production Design – Ang Larawan

Best Editor - Mark Victor (Siargao)

Best Cinematography – Odyssey Flores (Siargao)

Best Screenplay - All of You

Children's Choice Award - Ang Panday

FPJ Memorial Award - Ang Panday

Best Director - Paul Soriano (Siargao)

Best Supporting actor - Edgar Allan Guzman (Deadma Walking)

Best Supporting Actress - Jasmine Curtis-Smith (Siargao)

Best Actor - Derek Ramsay

Best Actress - Joanna Ampil

Full Length People's Choice Award - The Revenger Squad

Posthumous Jury Prize - Nick Joaquin (Ang Larawan)

Special Jury Recognition - Rodel Nacianceno (Ang Panday)

3rd Best Picture - All Of You

2nd Best Picture - Siargao

Best Picture - Ang Larawan

Stars of the Night - Derek Ramsay and Erich Gonzales