Aling pelikula na ang nangunguna sa 2017 MMFF?

Sinabi ng pamunuan ng Metro Manila Film Fest na napagdesisyunan nila na di muna maglalabas ng official figures.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/27/2017 5:59 PM
Aling pelikula na ang nangunguna sa 2017 MMFF?


Photo credits to praybeytbenjamin IG

 

Sa ikatlong araw ng 2017 Metro Manila Film Festival, nanatiling tahimik ang pamunuan nito tungkol sa opisyal na kita ng mga pelikulang tumabo sa takilya sa unang araw nito.

Sa opisyal na pahayag ng MMFF spokesperson na si Noel Ferrer, inihayag nito sa kanyang social media account na napagdesisyunan umano ng executive committee na hindi na maglabas ng ranking ng kinita mga pelikula na kalahok sa film festival.

"No official figures shall be announced to media, not even a day-to-day standing/ranking since all the producers & Execom members agreed that we shall wait until the end of the festival before any official box-office results are released.IT’S JUST GOOD TO KNOW THAT OUR KABABAYANS HAVE GONE BACK TO WATCHING FILMS IN THEATERS. Let us continue supporting Filipino films! #mabuhayangpelikulangpilipino🎬🎥 #MMFF2017[sic]," pahayag pa ni Noel.

Kahit na walang opisyal na pahayag ang MMFF Executive Committee, labis naman na nagpapasalamat sina Vice Ganda at Coco Martin para sa maituturing na tagumpay ng kanilang mga pelikula.

 

Samantala maingay din ngayon ang panawagan ng mga manunuod ng Ang Larawan, na isa sa mga pelikulang kalahok sa film fest, dahil sa pagbabawas ng mga sinehan kung saan sila pinapalabas.

Labis naman na ikinalungkot ng ilang netizen ang naging aksyon na ito ng mga sinehan kabilang na ang Broadway Diva na si Lea Salonga.

 

 

Sa ngayon umaasa ang ilang mga nag nanais manuod ng "Ang Larawan" na madagdagan pa ang mga sinehan kung saan nila ito mapapanuod.