• Home
  • Fresh Scoops
  • Hashtags Jameson Blake at Jon Lucas, thankful sa memorable 2017

Hashtags Jameson Blake at Jon Lucas, thankful sa memorable 2017

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/26/2017 4:13 PM
Hashtags Jameson Blake at Jon Lucas, thankful sa memorable 2017


 

Naging markado ang showbiz career ng all male group na Hashtags ngayong 2017. Isa na rito ang biglaang pamamaalam ni Hashtag Franco na labis na sumubok sa grupo. Ngunit, dumaan man sa pagsubok, naging mas matibay daw ang kanilang samahan.

 

Bloodshed 💢 Day 14 🎥 Haunted Forest" coming soon 👌🏼 #RegalFilms

A post shared by Jameson Blake (@hashtag_jameson) on

"Pinakamahalaga naming natutunan na lahat ng tao na malapit sa paligid mo, dapat pahalagahan mo na sila habang nandyan pa sila kasi di mo alam kung kailan sila mawawala," ani Jon na isa sa mga mapapanood kasama ni Jameson sa 2017 Metro Manila Film Festival entry Haunted Forest.

Makakatapat naman nila ang kapwa Hashtags member na si McCoy De Leon na mapapanuod naman MMFF movie na Ang Panday.

Tapatan man sa kapwa Hashtag, suportahan pa rin daw ang nangingibabaw para sa isa't isa.

"Dapat magmahalan na lang. Mahalaga na magbigay tayo ng time kasi marami tayo ginagawa pero pinakamahalaga nabigyan natin ng oras ang mga tao na malapit sa atin," dagdag ni Jon.

 

Laban... 👌🏼 #HauntedForestMMFF2017

A post shared by THE DON LUCAS (@hashtag_donjon) on

Samantala, pinagpapasalamat naman ni Jameson ang blessings na dumating sa kanya ngayong taon.

"I think its a blessing din you know...I’m happy naman sa mga projects ko," pahayag nito.

Bukod sa Haunted Forest, mapapanood sina Jon at Jameson araw araw sa noontime show na It's Showtime.