Gigil Kid Carlo Mendoza, may wish kay Vice Ganda

Patok na patok sa mga manonood ang tambalan nina Vice Ganda at Gigil Kid Carlo Mendoza.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/26/2017 3:06 PM
Gigil Kid Carlo Mendoza, may wish kay Vice Ganda


 

Applauded ngayon ang tandem nina Vice Ganda at Gigil Kid na si Carlo Mendoza sa Gandarrappido The Revengers Squad.

Ayon kay Carlo, ang kanyang Ate Vice ang kanyang best friend dahil sa naging pag-aalaga sa kanya nito.

"Lagi po siya yumayakap sa akin at mabait siya at lagi niya ako binibili ng mga laruan. Gusto ko po magkaroon na kami ng bahay," pagbibiro ni Carlo.

Pagbibirong sagot naman ng komendyante, "Andami ko na regalo sa kanya, inubos niya na nga pera ko eh! Hahaha!”

Kaya naman si Carlo, walang hanggang pasasalamat ang sukli para sa kanyang Ate Vice dahil isinama siya nito sa kanyang pelikula sa Metro Manila Film Festival.

"Kaya sabay-sabay po natin panoorin ang The Revengers Squad kasama andun po sina Vice Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla," sabi pa ni Carlo.

Sa ngayon, isa ang Gandarrappido The Revengers Squad sa labis na tumatabo sa takilya sa MMFF.