• Home
  • Fresh Scoops
  • Charity work ang focus ng iba't ibang personalidad ngayong Pasko

Charity work ang focus ng iba't ibang personalidad ngayong Pasko

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/26/2017 11:34 AM
Charity work ang focus ng iba't ibang personalidad ngayong Pasko


 

Ang tunay na diwa ng Pasko ang ipinamalas ng ilang personalidad mula sa iba't ibang larangan tulad ng sports, business, at showbiz kamakailan.

Kasama ang ilang miyembro ng pamilya, present si Piolo Pascual sa Hospicio de San Jose sa Maynila para magbigay ng mga regalo sa mga bata at matatanda na naninirahan sa ampunan.

Ayon kay Piolo, bahagi na ng tradisyon ng kanyang pamilya ang mag-give back tuwing Pasko na kanilang natutunan sa kanyang mommy.

"Practice talaga namin as a family pag Christmas talaga, dito kami mag outreach. Ito ngayon kasama namin ang mga pamangkin. We want to expose them already kasi ganito kami pinalaki ng nanay ko na you have to give back."

Ang anak naman ni Piolo na si Inigo Pascual ay inspirado na tulungan ang pagpapa-aral sa mga kabataan na kapos palad bilang bagong World Vision Foundation ambassador.

Ayon kay Inigo, karangalan niya na tumulong sa mga nangangailangan at maging mukha ng samahan.

"Sobrang gusto ko makatulong to promote positivity, encouraging the youth to not be afraid, to be leaders, to really speak up."

At ngayong Pasko, isa sa mga naging proyekto ni Inigo ang magbigay ng Noche Buena sa mahihirap na pamilya.

"Actually now we’re done doing the Noche Buena campaign which is of course for our kababayans all over the Philippines to have special Christmas with their families. We’re trying to feed 34,000 Filipinos."

Nag-lunsad naman ng martial arts scholarship program si Laurence Canavan na nakilala sa larangan ng mixed martial arts.

Ayon kay Laurence, nakikita niya na malaki ang potential ng Filipino fighters pagdating sa martial arts kung kaya ito ang naisip niyang gawin itong adbokasiya.

"I want to be the one to help them to get what they want. I don’t get anything out of this. I don’t earn out of this. My satisfaction is to see them reach their goal," pahayag ng foreign fighter.

Gift giving din sa higit tatlong libong kabataan sa Sucat, Parañaque ang ginawa ng grupo na Ryoaki na samahan ng mga Japanese businessmen.

Complete set ng school supplies ang natanggap ng mga kabataan ng Barangay San Dionisio.

Ayon sa pinuno ng Ryoaki Group of Companies na si Hiroaki Hamada, prioridad ng kanilang grupo na bigyan ng importansya ang edukasyon.

"Filipino kids are the future of the Philippines… But we are not helping only the Filipino kids but [from] other nations [as well]," pahayag nila.