11 most talked about celebrity babies born in 2017

Masaya ang ilang showbiz personalities ngayong 2017 dahil sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/26/2017 3:45 PM
11 most talked about celebrity babies born in 2017


 

Napuno ng kaligayahan ngayong 2017 ang ilan sa mga showbiz personalities dahil sa pagsilang ng karagdagang miyembro sa kanilang pamilya

Kasama ngayong taon sa mga ipinagmalaking celebrity babies ang anak ng Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros kay Jason Francisco. Abril ng 2017 nang isilang ni Melai ang kanyang second baby na si Baby Stella Rosalind.

July naman ng magsilang ng isang baby girl ang aktres na si Maricar De Mesa.

 

Hello, baby Sky!! 👼Ninang Miray is so happy to meet you ❤️#babysky #excitedninang

A post shared by Miray Muhlach (@almiramuhlach) on

Agosto 2017 naman ng isilang ni Kylie Padilla ang panganay na anak nila ni Aljur Abrenica na si Baby Alas.

Agosto din ngayong taon ng nagsilang ang sexy comedian na si Rufa Mae Quinto ng kanyang panganay na anak na si Alexandria Athena.

 

Love at first sight

A post shared by Trevor Magallanes (@trevvvsilog) on

September naman winelcome ni Camille Prats ang first baby nila ng asawang si John Yambao na si Nala.

Masaya namang ibinalita ni Michelle Madrigal at fiancé na si Troy Woolfolk ang pagdating ng kanyang baby girl na si Anika.

Nobyemre naman ngayong taon isinilang ng aktres na si Ayen Munji ang bunsong anak nila ni Franco Laurel na si Baby Lucia Laurel.

 

Thankful to God for this Wonderful Gift..❤ #lucialaurel

A post shared by Ayen Laurel 🎥🎬🎤♪💋 (@ayenlaurel21) on

Isinilang din ng Nobyembre ngayong taon ang anak ni Pauleen Luna at Vic Sotto na si Baby Talitha Maria Sotto.

 

Talitha Maria Luna- Sotto 💗 Thank you for all your prayers!

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

Nanganak din ng November ang singer-actress na si Nikki Gil at masayang ipinakilala sa kanyang mga taga-hanga ang kanyang baby na si Finn.

December 6 naman isinilang sa London ni Bangs Garcia ang unang anak nila ng kanyang asawang si Lloydi Birchmore na si Amelia.

Humabol pa ngayong 2017 ang baby Joaquin nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo na ipinanganak noong December 22.

 

Happy birthday daddy and happy birthday joaquin! #pjc #1222

A post shared by Katherine Grace Castillo (@kaye_abad) on

Looking forward naman ang lahat this 2018 sa pagdating ng babies nina Pokwang, Jolina Magdangal at Sarah Lahbati.