• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Paulo Avelino's Fil-Australian girlfriend papasukin na rin ba ang showbiz?

Exclusive: Paulo Avelino's Fil-Australian girlfriend papasukin na rin ba ang showbiz?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/25/2017 9:37 AM
Exclusive: Paulo Avelino's Fil-Australian girlfriend papasukin na rin ba ang showbiz?


 

Tahimik ang love life ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino. Masaya rin niyang ibinahagi sa PUSH na naiintindihan ng girlfriend niya ang kanyang trabaho at hindi ito pinagsisimulan ng kahit anong away.

“Oo naman. Lahat naman ng nakasama ko sa buhay naiintindihan ang trabaho ko,” reaksyon niya na natatawa.

“’Yon nga lang, yung schedule, sobrang busy lang. Like ngayon, medyo nagkakasabay-sabay ang ginagawa, pero focus din lang sa trabaho,” dagdag niya.

Ang Fil-Australian model na si Jodie Elizabeth Tarasek ang girlfriend ni Paulo ngayon.

Wala bang balak mag-showbiz ang dyowa niya?

“Parang wala naman. Nag-i-enjoy pa naman yata siya sa ginagawa niya ngayon,” nakangiti niyang sagot.

Totoo bang as much as possible ay ayaw niya ring masyadong pag-usapan ang tungkol sa kanyang love life?

“Natuto na kasi ako sa past experiences ko,” pabiro at natatawang pahayag ng isa sa bida ng Ang Larawan na isa sa 8 pelikulang kasali sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Patuloy ng aktor, “Saka hindi ko naman kailangang i-post sa social media lahat ng kailangang mangyari sa buhay ko o lahat ng importanteng bagay sa buhay ko.

“Ako, mas gusto ko siya na nilalasap ko para sa sarili ko dahil bihira lang din mangyari itong mga pagkakataong ganito.”

May reaksyon din si Paulo sa ginagawa ng iba na masyadong pinapangunahan at hinuhusgahan ang kanyang personal na buhay.

“Hindi rin naman ako perpektong tao at perpektong tatay, pero maraming mga bagay sa atin na wala silang alam. Hindi naman nila alam kung inaayos mo o kung naayos mo na ang isang bagay, kung nagkakaproblema ka… yung mga ganung bagay.

“Minsan, itong mga taong ito, ang dali nilang magbitaw ng salita na wala silang alam sa sitwasyon. Basta ngayon happy ako, happy ako kay Jodie,” deklara pa niya.

Speaking of Ang Larawan, sa tingin ba niya anong chance sa box-office ng kanilang pelikula?

“Well, para sa akin, magbibigay rin naman kami ng ibang putahe sa pelikula. Kumbaga, andyan yung mga paborito mong putahe pero minsan magki-crave ka ng iba, so andito yung Larawan.

“Hindi lang naman ito basta musical, may kinalaman din ito sa kasaysayan natin. Bihira naman tayong makakita ng musical,” rason pa ng aktor at huling pahayag niya sa PUSH.