Celebs share their Christmas wishes this year

Ibinahagi ng mga bida ng ilan sa pelikulang kalahok sa MMFF ngayong taon kung ano ang kanilang gustong ‘regalo’ ngayong Pasko.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/25/2017 9:46 AM
Celebs share their Christmas wishes this year


 

Magbubukas ngayong araw, December 25, sa takilya ang Metro Manila Film Festival at mapapanood na ang 8 kalahok sa taunang pagdiriwang na ito.

Sa panayam ng PUSH sa mga bida ng mga pelikula, may kanya-kanyang hiling at wish ang mga celebs ngayong Kapaskuhan.

Gaya nalang ng mag-beshies at Deadma Walking stars na sina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa.

 

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

"Sana maganda ang maging feedback ng Deadma Walking and sana maging maganda ang taon ko next year," saad ni EA.

"Bukod sa kumita ang pelikula naming, my wish is to spend time with my family dahil ang Pasko naman hindi yan kung saan ka pupunta or kung ano ang gagawin mo. Ang importante dyan ay yung kasama mo, ang pamilya mo," sabi naman ni Joross.

Si Vic Sotto naman na bida sa pang pamilyang pelikula na Meant To Beh, simple lang ang hiling para sa kanyang anak na si Talitha.

"Sana lumaki na agad ang bunso ko," masayang pahayag ni Bossing.

Si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach o Kweeni ng Gandarrappido The Revengers Squad simple lang din ang hiling ngayong Pasko.

"Sana maging successful ang movie, sana magustuhan nila at sana madaming manuod ng The Revengers Squad," sabi ni Pia.

Wala na din daw mahihiling pa ang Ang Panday movie Producer, Director, Writer at Lead star na si Coco Martin ngayong Pasko kundi sa isang bagay.

"Regalong materyal, wala. Yung time na maka-bonding yung family ko at makapagsama sama kami kasi yun ang importante, yun ang hindi ko maibigay sa kanila ngayon dahil sa sunod-sunod na trabaho. Yun siguro ang pinaka magandang gift na gusto kong makuha ngayong Pasko," pahayag pa ni Coco