• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagsasama sa pelikula ni Piolo Pascual at Pia Wurtzbach posible ba?

Pagsasama sa pelikula ni Piolo Pascual at Pia Wurtzbach posible ba?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/24/2017 8:35 AM
Pagsasama sa pelikula ni Piolo Pascual at Pia Wurtzbach posible ba?


 

Looking forward sa 2018 ang kapamilya actor na si Piolo Pascual nang nakapanayam ito ng PUSH at ABS-CBN News sa isang charity event sa Hospicio de San Jose.

Kuwento ni Piolo, tapos na ang taping ng pilot episode ng kanyang upcoming teleserye sa kapamilya network kung saan makakasama niya sila JC De Vera, Alessandra De Rossi, at Empoy Marquez.

"Ang teleserye, ipapalabas sa first part of the year. Tapos na namin mag pilot episode and then nag-request lang ako kung makakapag pelikula ako after. Mahirap kasi ang movie kapag kapag sinabay," sabi ni Piolo.

Maliban sa teleserye, bibida din si Piolo sa isang Lav Diaz movie kung saan makakasama naman niya si Shaina Magdayao na nakatakdang ilabas sa Pebrero.

 

 

 

 

Si Lorena #Malaysia #bucketlist✔️ 📸Giovanni

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao) on

"There's a movie with Shaina, it’s coming out this February by Lav Diaz. We shot in Malaysia. [And] ang Panahon Ng Halimaw gagala kami sa Berlinale this February," saad ni Piolo.

 

Siksik man ang first quarter of 2018 ni Piolo, looking forward din daw siya sa mga usapin ng posible nilang pagtatambal sa isang pelikula ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

 

 

"Depende sa schedule niya, ang sa akin ang problema ko lang talaga is I can't do both at the same time soap and movie so while they're doing the concept tapusin ko muna mag soap," ani ni Piolo.

 

Sabi pa ni Piolo, labis din siyang proud kay Pia dahil isa siya sa mga saksi sa pag-uumpisa nito sa showbiz industry.

"Pia and I have been friends a long time, Bora days palang. When she became Miss Universe talagang sabi ko 'Ang sarap lang when you see her grow and evolve'. I'm always gone be here for her kaya sana makagawa kami ng pelikula," pahayag ni Piolo.