• Home
  • Fresh Scoops
  • McLisse, inaming ‘patikim’ pa lang ang ginawa sa ‘Ang Panday’

McLisse, inaming ‘patikim’ pa lang ang ginawa sa ‘Ang Panday’

McCoy de Leon at Elisse Joson mayroon ng pelikula na gagawin pagkatapos ng ‘Ang Panday’.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/24/2017 8:25 AM
McLisse, inaming ‘patikim’ pa lang ang ginawa sa ‘Ang Panday’


Ang pelikulang Ang Panday ang big screen debut nina McCoy de Leon at Elisse Joson popularly known bilang McLisse love team. May mga nabitin sa exposure ng dalawa, pero ayon sa kanila, masaya na sila na naging part ng pelikula na idinirek, prinodyus at pinagbibidahan ni Coco Martin.

 

“Para sa akin, eksakto lang yung naging exposure ng McLisse bilang unang labas namin ito sa movie as love team. Okey lang po sa amin na parang patikim lang muna,” reaksyon ni Elisse.

 

Dagdag paliwanag naman ni McCoy, “Para po sa amin, ipinakita muna namin yung individual na character namin. Sana sa susunod, as tandem naman. Well, parang siguro po, establishing itong Panday, ganun.”

 

Satisfied ba naman sila sa naging performance nila sa Ang Panday?

 

“Sa akin po, napag-usapan namin after nung movie na proud kami sa isa’t isa. Dito sa Panday po kasi, siyempre, malaking bagay na po ito sa amin bilang baguhang love team.

 

“Sobrang thankful po kami, kasi Ang Panday ito, eh. Kumbaga, legacy na po, so ngayon na si Coco Martin (ang gumawa), sobrang laking bagay po,” sambit ni Elisse.

 

Eh, kumusta naman bang director at producer si Coco?

 

“Yon po, napaka-pursigido po niya pag nagbibigay siya ng mga lines kasi wala po kaming script. Pag nagbigay si Kuya Coco ng lines, dapat alamin muna yung character na pinanggalingan. Sobrang mahahawa ka sa pagiging determinado niya,” sagot naman ni McCoy.

 

Ano ba ang plano nila after Ang Panday?

 

Sey ni Elisse: “After po nito, masaya po kaming sabihin din na may blessing din po na… nahihiya kasi akong sabihin, eh. Pero yung blessing nga po na magkaroon din ng movie na kaming dalawa.

 

“This January po, sana matuloy na, sana magsimula na po kami.”

 

Isa ang McLisse sa love team na ginu-groom ngayon ng ABS-CBN kaya labis daw ang kanilang pasasalamat.

 

“Sa amin po kasi, kami lang din yung nagiging inspirasyon ng iba, siguro dahil din sa mga tao sa paligid namin kaya kami napunta dito,” reaksyon ni McCoy.

 

“Lahat naman siguro puwedeng i-groom o alagaan ng ABS pero siguro, para sa amin, iniisip namin na kaya kami nandito dahil din sa mga taong sumusuporta sa amin. Swerte kami and very thankful,” dagdag niya.

 

Hirit naman ni Elisse: “Challenge din po para sa amin na mapatunayan na parang deserve na maging nandito po sa posisyon namin kaya kailangang… Pressure din po sa amin na ibigay lahat.”

 

Very vocal naman ang McLisse sa love team na pini-peg nila.

 

“Dati pa naming sinasabi ito, na siyempre yung KathNiel dahil sobrang galing din nila, madami ng napatunayan bilang mga artista at love team din kasi nagtutulungan sila.

 

“Kasi nakita din namin yung growth nila as individuals and love team. So, hanggang ngayon po nandito pa din sila and malaki yung pinapatunayan nila sa industriya. Sana po maging ganun din kami,” huling pahayag ni Elisse sa PUSH.