Mark Anthony Fernandez, nakalaya na

Na-dismiss na sa kasong transportation of illegal drugs ang aktor.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

12/24/2017 3:44 PM
Mark Anthony Fernandez, nakalaya na


 

Matapos ang mahigit isang taong pagkakakulong, nakalaya na ang aktor na si Mark Anthony Fernandez. Ayon naman sa report ng PEP, na-dismiss na ang kasong transportation of illegal drugs laban kay Mark Anthony at misdemeanor charges na lamang ang natitira.

Sa ngayon ay hindi pa muna nagpapaunlak ng panayam ang aktor. Bukod sa kanyang pamilya, masaya rin ang aktres at ex-girlfriend ni Mark Anthony na si Claudine Barretto na nakalaya na ang former Gwapings member.

 

 

#GODISGOOD #THANKYOULORD

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Nahulihan ng isang kilong marijuana si Mark Anthony noong October 2016. Bagamat inamin niyang gumagamit siya ng marijuana, hindi raw sa kanya ang nahuling marijuana sa kanyang sasakyan.