• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda reveals what Daniel Padilla and Marco Gumabao did to his ex

Vice Ganda reveals what Daniel Padilla and Marco Gumabao did to his ex

Why does Vice Ganda calls Daniel Padilla and Marco Gumabao ‘madamot’?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/23/2017 11:45 AM
Vice Ganda reveals what Daniel Padilla and Marco Gumabao did to his ex


 

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Vice Ganda na totoo ang mga kwento ni Daniel Padilla, Patrick Sugui, at Marco Gumabao tungkol sa kanya. Ayon sa magkakaibigan, nang minsang lumabas sila kasama si Vice ay diumano lumapit ang ex ni Vice at pinagbawalan nila na makalapit ito sa kanya.

Pag-amin ni Vice, “Meron akong ex e ayaw nila na...E nakita namin tapos may chance na mag-uusap. Inaangasan nilang dalawa. E ang hirap din talaga Tito Boy, pag may barkada kang lalaki ang higpit-higpit nila. Feeling ko talaga ako yung kapatid nilang babae na virgin na bunso. Pinapangalagaan nila na hindi pwede mapariwara.”

Nang tanungin kung nakapag-usap sila ng ex ng gabing yun, ani Vice, “Hindi nga hanggang sa pag-uwi hanggang sa sasakyan sinigurado nila na hindi kami magtatagpo.”

Konklusyon ni Vice sa ginawa nina DJ at Marco ay “madamot!”