• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda on competing with his friends: ‘Ang sarap makita na parepareho kaming umaasensyo at nagtatagumpay’

Vice Ganda on competing with his friends: ‘Ang sarap makita na parepareho kaming umaasensyo at nagtatagumpay’

Vice Ganda reveals what he feels about competing with friends Anne Curtis and Coco Martin.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/23/2017 11:32 AM
Vice Ganda on competing with his friends: ‘Ang sarap makita na parepareho kaming umaasensyo at nagtatagumpay’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni Vice Ganda kung paano niya hina-handle ang kompetisyon mula sa kanyang mga kaibigan. Alam ng publiko na close friends ni Vice sina Anne Curtis at Coco Martin. Kakompitensiya niya ang makeup line ni Anne at babangga din ang pelikula ni Vice na Gandarrapiddo! The Revenger Squad sa pelikula ni Coco na Ang Panday sa Metro Manila Film Festival 2017. Ani Vice, “Ako po kasi ang ideya ko lang lagi let’s share. You cannot own the world, you can only share it to people. Kunwari ang marketo ang laki naman niyan, e wag nating solohin. Share tayo. Lalo pa kung ang kashare mo e kaibigan mo. Ang sarap makita na parepareho kaming umaasenso at nagtatagumpay.”

Dagdag pa ni Vice, “Lalo na kami ni Coco kasi po hindi pa naman kami artistang ganito, e pangarap na namin ‘to. Pangarap naming yumaman, pangarap namin magkaroon ng magandang trabaho, pangarap namin maiangat yung mga lolo’t lola namin, ang mga nanay namin sa kahirapan. Kasi parehong-pareho kami ng istorya kaya ngayon na sabay namin itong naa-achieve ang sayang makita.”

Sinabi din ni Vice na panunuorin niya ang Ang Panday, Siargao, pati na ang Haunted Forest dahil nandun din ang ilan niyang kaibigan. Sisikapin din daw ni Vice na panuorin ang iba pang MMFF entries. Gumagamit din diumano si Vice ng makeup line ni Anne Curtis at meron din si Anne ng makeup line ni Vice. Prinopromote din diumano ni Vice ang makeup line ni Anne.