Solenn Heussaff at Nico Bolzico hiwalay sa Pasko

Ibinahagi ni Solenn Heussaff kung bakit magkahiwalay sila ng asawang si Nico Bolzico ngayong Pasko.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/23/2017 10:05 AM
Solenn Heussaff at Nico Bolzico hiwalay sa Pasko


Photo credits to solenn IG

 

Actress, singer, painter, author, blogger, model at make-up artist. Ilan lang ito sa puwedeng ikabit sa pangalan ni Sollenn Heussaff. Pero kung meron pang isang bagay tungkol sa kanya, Solenn is a true fan of Christmas.

“I love Christmas!” sey ng asawa ni Nico Bolzico. “Christmas decorations, Christmas songs, I love! Every year para sa akin, dapat masaya ang Christmas.  I make sure na I spend time with family and we eat together.  Para sa akin, pinaka-important na nandoon kaming lahat as a family,” dagdag pa niya.

Ngayong taong ito at katulad ng mga nagdaang Pasko, ipagdiriwang ito ni Solenn kasama ang immediate family niya.

Aniya, “Usually, every Christmas Eve, si Erwann (Heusaff, Solenn’s brother) ang nagluluto. It’s just him, me, Anne (Curtis, her sister-in-law), my sister, my brother-in-law; very small lang kami.”

Pero ngayong taon, darating daw ang kapatid niya mula sa Singapore. “And then siyempre, opening na ng gifts!”

Yun nga lang, Solenn will be missing someone special this year. Ang kanyang mister ay sa Argentina naman magse-celebrate ng Kapaskuhan kasama ang mga magulang nito. Dapat daw sana, kasama rin siya nitong dadalaw sa mga in-laws.

“Dapat pupunta ako talaga. It’s part of my duty rin as a wife. Pero nung makita ko yung mga gagawin ko for next year, sabi ko kay Nico na it’s not yet time. May one week off ako, pero papuntang Argentina, 30 hours na yung trip. Not worth it na nandun lang ako ng four days,” paliwanag niya.

The two have gotten used to being apart during the Christmas holidays but still cannot help missing each other. Mabuti na lang may nga technology na ngayon na mas madali nga naman ang komunikasyon nila.

“Okay lang naman sa amin kasi siyempre his family, nandun. And hindi naman ako selfish or possessive. Buong year nandito na siya sa akin. It’s just one month–every December,” sambit niya.

Samantala, ikalawang taon ni Solenn bilang endorser ng CDO Premium Holiday Ham at masaya siya na nakakapag-represent ng isang pagkain na gustong-gusto at pinaniniwalaan niya.

“Ako talaga from the start I only endorse products that I believe in,” sey pa niya.

Solenn will have her whole family together on Christmas day at ang magiging centerpiece daw ng kanilang table ay ang ham na gustung-gusto niya.