• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kris Lawrence, inaming ‘age gap’ ang dahilan ng breakup nila ng non-showbiz GF

EXCLUSIVE: Kris Lawrence, inaming ‘age gap’ ang dahilan ng breakup nila ng non-showbiz GF

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/23/2017 9:56 AM
EXCLUSIVE: Kris Lawrence, inaming ‘age gap’ ang dahilan ng breakup nila ng non-showbiz GF


Photo credits to imkrislawrence IG

 

Inamin ng R&B singer na si Kris Lawrence sa PUSH na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend. Nakarelasyon ni Kris ang babae noong 2014 pagkatapos nilang maghiwalay ni Katrina Halili kung saan meron siyang isang anak–si Katie.

Ayon kay Kris, very fresh pa ang paghihiwalay nila ng ex-girlfriend.

“Kaka-break lang namin last week. Hindi siguro ako swerte sa love life ngayon,” pagre-reveal niya sa PUSH.

“Focus muna sa work, saka bumili ako ng bagong bahay so kailangan kong magtrabaho,” sambit uli niya.

Eh, ano ba ang dahilan ng breakup nila?

“Siguro age difference. Mas matanda ako sa kanya, eh. Ten years ang gap namin. Kailangan mong habaan yung pasensya and I was aware of that but it came to the point na siguro naubos na.”

Madalas din daw na hindi nagkakaintindihan.

“Especially yung work ko, marami akong kasamang magaganda. Kasi itong mundo natin, di ba, ang daming magagandang babae, so, hindi niya naintindihan yon minsan.

“Yung mga sagot ko sa presscon hindi niya maintindihan. Yung work ko pag late at hindi ako maka-text nag-aaway kami don.

“Eh, ako naman, when it’s not worth fighting for ayokong pansinin kasi waste of energy lang, dagdag stress for no reason. And yon, when it came to the point where I said why am I stressing myself with this, ayoko na,” kuwento pa niya sa amin.

Eh, ano ang na-realize niya sa nangyari?

Aniya, “Parang mas okey yung taga-showbiz but not necessarily showbiz mismo. Pero dapat yung makaka-understand ng trabaho ko and dapat may trust.”

Si Kris ay nakausap ng PUSH sa presscon ng 3rd Wish Music Awards ng FM station ng Wish 107.5 na nagpasimula ng Wish Bus.

Nominated si Kris sa kategoryang Wishclusive R&B Performance of the Year at sa Wish R&B Song of the Year (Isang Numero).

Samantala, ibinahagi rin ni Kris na hanggang ngayon ay okey pa rin ang relasyon nila ni Katrina.

“We are very good right now, on good terms, we communicate almost everyday. I see my daughter four to five times a week,” sambit niya.

Patuloy din daw ang sustento niya sa anak.

“I’m supposed to because I’m the father. Kusa akong nagbibigay kasi hindi naman siya nagde-demand, eh. I am obligated at meron kaming pinag-usapan na ano, so binibigay naman yon, tapos pag may extra ako binibigyan ko pa siya ng extra,” balita pa niya sa PUSH.