2017 MMFF Parade of Stars

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/23/2017 6:59 PM
2017 MMFF Parade of Stars


 

Kasabay ng centennial celebration ng Muntinlupa City ang pagbuhos ng mga naglalakihang bituin na bibida sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Matatandaan na sa history ng MMFF parade ito ang unang pagkakataon na iniikot sa ibang munisipalidad sa Metro Manila ang nakagisnang parada.

Highlight at labis na inabangan ng mga taga Muntinlupa ang makukulay na Float ng mga pelikulang kalahok sa film fest.

Gaya ng pelikulang "Ang Larawan" na pinagbibidahan nina Joana Ampil, Rachel Alejandro at Paolo Avelino.

 

2017 Metro Manila Film Festival Parade of Stars ANG LARAWAN @mmffofficial #mmff2017 #AngLarawan

A post shared by Push (@pushalerts) on

Kasama din ang float ng "Deadma Walking" na pinagbibidahan ng bagong beshies na sina Edgar Allan at Joross Gamboa.

Present din sa parada ang float ng pelikulang "Siargao" na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Jasmine Curtis-Smith at Erich Gonzales.

Buhay na buhay din ang float ng pelikulang "Meant To Beh" na pinagbibidahan naman nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Nabalot man ng kadiliman, maliwanag na mga ngiti naman ang handog ng mga bida ng "Haunted Forest" na sila Maria Racal, Jane Oineza at iba pa.

Chinese inspired naman ang concept ng float ng pelikulang "All of You" na pinagbibidahan nila Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.

 

2017 Metro Manila Film Festival Parade of Stars ALL OF YOU #allofyou #mmff2017 @mmffofficial

A post shared by Push (@pushalerts) on

Malakas na hiyawan naman ang sinalubong ng mga taga-Muntinlupa sa pagdating ng dalawa sa malaking float nina Vice Ganda at Coco Martin.

Si Coco, kasama ang mga bida ng "Ang Panday," ay hindi matatapos na pagkaway sa mga taga-hanga.

Dagundong ng mga fans ni Daniel Padilla at Vice Ganda ang sumalubong sa kanilang float.

Blooming at queenly pa din ang dating ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach habang kumakaway sa mga taga Muntinlupa.

Umikot mula sa Muntinlupa Sports Complex ang parada at nagtapos naman sa isang lote sa Corporate Avenue sa Alabang.