• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola on Luis Manzano meeting her dad: ‘Wala na silang ginawa kundi magjoke’

Jessy Mendiola on Luis Manzano meeting her dad: ‘Wala na silang ginawa kundi magjoke’

Luis Manzano bonds with Jessy Mendiola’s dad.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/22/2017 11:25 AM
Jessy Mendiola on Luis Manzano meeting her dad: ‘Wala na silang ginawa kundi magjoke’


 

Sa ulat ng TV Patrol, sinurpresa si Jessy Mendiola ng kanyang British-Lebanese father nang dumalaw ito sa Pilipinas para sa kanyang 25th birthday. Ani Jessy, “First time niyang pumunta dito I was seven. Pumunta siya ulit mga five years ago, kasama yung ate ko. Biglang pagdating niya ngayon natuwa ako, he made time for me.”

Level up naman diumano ang boyfriend ni Jessy na Luis Manzano na nakabonding ang daddy ni Jessy. Kuwento ni Jessy, “Yung dad ko sobrang joker rin. Pagkanagkikita silang dalawa, wala na silang ginawa kundi magjoke.”

Nang tanungin naman kung namanhikan na si Luis, pag-amin ni Jessy ay, “Niloloko na nga nila ako. My dad kasi he’s a believer of… siya kasi parang ‘O, you’re turning 25, do you know the Lebanese way? They get married at 25.’ So bigla akong nagulat sabi ko wait no. I have so much to do.”

Aminado rin si Jessy na lagi nang nagpaparinig sa kanya si Luis tungkol sa pagse-settle down. “Everyday pinapa-obvious niya sa akin na ready na ako. I think that’s one way of showing his love for me na he’s patiently waiting.”

Hindi rin daw kailangan ni Jessy mamili between love and career. “There are things in life na hindi mo mapagpapalit sa career di ba? I can whip it up again and I’m taking my time. I’m really thankful for the strengths and the love that my family, my friends, si Luis na binibigay sa akin. That itself is a blessing for me.”