• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca aminadong na-challenge sa kanyang role bilang Lizardo sa ‘Ang Panday’

Jake Cuenca aminadong na-challenge sa kanyang role bilang Lizardo sa ‘Ang Panday’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/22/2017 11:14 AM
Jake Cuenca aminadong na-challenge sa kanyang role bilang Lizardo sa ‘Ang Panday’


Umani ng papuri sa entertainment media si Jake Cuenca sa kanyang performance bilang si Lizardo sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na Ang Panday.

Si Lizardo ang kaaway na mortal ng Panday na ginagampanan ni Coco Martin. Ayon kay Jake masaya siya na nabigyan siya ng freedom na paglaruan ang kanyang atake sa iconic na karakter.

"Pati yung tawa inimbento ko. Hindi ako ganun tumawa in real life I have to do it 25 times sa dubbing," sabi ni Jake.

Kinse anyos na ang career ni Jake bilang aktor at ito na daw ang masasabi niya na paborito niyang nagampanan na role.

"Ito ang favorite ko na role ever. Ito ang favorite ko na role in my 15-year long showbiz career, my favorite role I've ever done in my life," ayon kay Jake.

Kuwento pa ng actor, unang alok pa lamang daw ng iconic role ay yes na yes na daw ang kanyang naging sagot.

"The day na sinabi nya na ako ang magiging Lizardo I didn't think twice sabi ko sino director? Coco, first film niya. Wow perfect!"

Mapapanuod ang Ang Panday sa pagbubukas ng 43rd Metro Manila Film Festival sa December 25.