Ces Oreña-Drilon, nagpaalam na sa Bandila

The veteran journalist is about to make a major shift in her career.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/22/2017 1:25 PM
Ces Oreña-Drilon, nagpaalam na sa Bandila


 

Inanunsyo ng award-winning journalist na si Ces Oreña-Drilon sa Bandila kahapon, Disyembre 21, na iyon na ang kanyang huling gabi bilang news anchor ng show. Mahigit isang dekada naging anchor si Ces sa Bandila.

“Ngayon po may panibagong hamon na kasi ang tumatawag sa akin at panahon nang baguhin ang landas na tinatahak mula sa harap ng kamera papunta naman po sa likod nito,” aniya.

Ang beteranang journalist na ang magiging content acquisition head ng ABS-CBN lifestyle ecosystem.

“Ang pagbabalita naman ng kwentong nagbibigay sa inyo ng kasiyahan at aliw ang siyang bibigyan ko ng pansin at atensyon. Panahon na rin po na siguro isalin ang aking kaunting nalalaman sa iba at mag-mentor naman sa mga nakababata sa akin. Excited na excited na rin po ako dahil ibang larangan ang aking susuungin at natututo din ako sa mga bagay na iba sa nakasanayan sa ABS-CBN newsroom.”

Tiniyak naman niyang mananatili siya sa Kapamilya network ngunit hindi na nga lang siya makikita sa harap ng camera katulad ng nakasanayan. Bukod sa Bandila, naging host din si Ces sa “Pipol,” “The Correspondents,” “I Survived,” at “Krusada.”