• Home
  • Fresh Scoops
  • What are your favorite celebrities giving their loved ones this Christmas?

What are your favorite celebrities giving their loved ones this Christmas?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/21/2017 10:21 AM
What are your favorite celebrities giving their loved ones this Christmas?


 

Ilan araw bago sumapit ang Pasko, ibinahagi ng ilan sa ating mga paboritong showbiz personalities ang kanilang paghahanda para sa special na okasyon na ito.

Abala man sa kabi-kabilang showbiz commitments, naisingit pa din daw nila ang pamimili ng regalo para sa kanilang mga special someone.

Gaya na lang ng aktres na si Jennylyn Mercado na November pa lang daw ay nag-uumpisa na magbalot ng regalo para sa kanyang mga kaanak.

"Tapos na akong mag Christmas shopping, November pa lang. Ganun ang palagi kong ginagawa para hindi ako nakikisabay sa mga kababayan natin na late na mag Christmas shopping," sabi ni Jennylyn.¬

Ang kapamilya star naman na si Inigo Pascual na first time magpa-Pasko sa Pilipinas nauna na din ipamili ng Christmas gift ang mga magulang.

"Yes I have na for my dad (Piolo Pascual) I got him hmmm… secret, kasi baka makita niya ito. Si mommy I already got her a gift but na-stress na ata siya ngayon kasi I got her a puppy," kuwento naman ni Inigo.

Personalized gifts naman ang plano ipamigay ng kapamilya actress na si Bea Alonzo. Aniya nakagawian na niya laging pinag-iisipan ang kanyang regalong ipinamimigay tuwing Pasko.

"Every year naman you try to be original as possible. Ngayon mayroon ako nakilala na pastry chef, kasi yung friend ko chef tapos may pinakilala siya sa akin na pastry chef na gumagawa ng mga personalized cookies and pastry basket. So I try to collaborate dun sa mga designs ng cookies kaya mas personalized," pahayag ni Bea.