• Home
  • Fresh Scoops
  • How are the Binibining Pilipinas beauty queens planning to celebrate Christmas?

How are the Binibining Pilipinas beauty queens planning to celebrate Christmas?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/21/2017 10:09 AM
How are the Binibining Pilipinas beauty queens planning to celebrate Christmas?


 

Ilang araw bago dumating ang Kapaskuhan, ilan sa ating mga naging paboritong beauty queens ang nagbahagi laung ano ang mga plano nila sa kanilang magiging holiday break.

Una na dito ang isa sa Ang Panday leading lady na si 2016 Miss International Kylie Verzosa na abala man sa pag-promo plano pa din umuwi sa kanyang hometown sa Baguio upang makapiling ang kanyang pamilya.

"Spend more time with family, very traditional Christmas with lolo and lola sa Baguio," sabi ni Kylie.

Biyaheng Baguio din ngayong holiday season si 2013 Miss International at La Luna Sangre star Bea Rose Santiago para makasama ang mga kaanak na nagbalikbayan mula sa Canada.

 

Pasko na Sinta ko❤️🎄 the best Christmas is always Philippines ❤️

A post shared by Bea Santiago (@bea.santiago) on

"Uuwi sa Pilipinas ang family ko from Canada, so we going to spend it here maybe in Baguio and we're going to spend it in a traditional way na Christmas," pahayag ni Bea Rose.

Ang 2014 Miss Universe Philippines naman na si MJ Lastimosa na napapanuod din ngayon sa top rating primetime teleserye na La Luna Sangre aminadong miss na miss na ang kanyang pamilya na nasa America na ngayon.

"I'm really hoping that I can spend time with my family, maybe in the States kasi lahat sila nasa States na. Maghahanap ako ng time just to spend a little time with them," sabi ni MJ.

Tumulak naman papuntang Australia si 2017 Miss Grand International 1st Runner Up Elizabeth Clenci para i-celebrate ang holiday season kasama ang kanyang pamilya.

Biyaheng Kuala Lumpur, Malaysia naman si 2017 Miss Universe Philippines finalist Rachel Peters para makapiling din ang kanyang mga magulang na doon na naninirahan.

Samantala, inanunsyo na din ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated ang maagang deadline ng submission ng application para sa 2018 aspiring Binibining Pilipinas.