• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada explains why she doesn’t open up about her non-showbiz boyfriend

Karla Estrada explains why she doesn’t open up about her non-showbiz boyfriend

Karla Estrada: ‘Nahihiya ako eh. Kasi apat na beses akong nagkamali sa desisyon ko.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/20/2017 9:48 AM
Karla Estrada explains why she doesn’t open up about her non-showbiz boyfriend


 

Sa isang report ng news.abs-cbn.com, nagkwento si Karla Estrada tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mark. Sinabi rin niya kung bakit hindi siya masyadong nag-o-open up tungkol sa kanyang boyfriend. “Nahihiya ako eh. Kasi apat na beses akong nagkamali sa desisyon ko. Hindi 'yung pagkakaroon ng anak ha, dahil hindi pagkakamali 'yun; regalo ng Panginoon ang anak. 'Yung pagdedesisyon na dapat ganito... Inuuna ko kasi lagi ang sarili ko na dapat masaya ako dahil in love ako. 'Yun ang mga experiences ko na feeling ko itatago ko na lang para sa akin.”

Ngunit hindi na diumano importante sa kanya kung mahusgahan pa siya ng mga tao. “Hindi naman na ako matitibag dahil ano pa ba ang puwedeng tumibag sa akin kundi ang damdamin na lang ng mga anak ko ang importante sa akin.”

Ayon pa kay Karla ang pinakaimportanteng lesson na natutunan niya sa love ay, “Gawin mo na lang pribado ang buhay pag-ibig dahil kapag nagkamali, kasama ang lahat na huhusgahan ka. Kapag hindi naging successful, pagpipiyestahan ka.”

Wala naman daw siyang obligasyon na gawing public ang lahat sa buhay niya at ang importante sa kanya ay maayos ang relationship ng mga anak niya kay Mark. “Okay sila. Ang sinabi ko kay Mark, hindi maibibigay [ng mga anak ko] 'yung full time nila. Ang importante, nirerespeto ka nila at gusto ka nila dahil siyempre yung mga anak ko, buhay naman ang kanikanilang mga ama sa buhay nila. Ang importante lang bibigyan nila ng respeto si tito Mark nila.”

Natanong din si Karla kung nangangarap pa siyang magpakasal isang araw at ayon kay Queen Mother, “Of course kasi I’ve never been married naman. Gusto ko ring makapagsuot ng traje de boda.”