• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia, regalo ang out of the country trip para sa sarili ngayong Pasko

Joshua Garcia, regalo ang out of the country trip para sa sarili ngayong Pasko

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/20/2017 9:36 AM
Joshua Garcia, regalo ang out of the country trip para sa sarili ngayong Pasko


 

Matapos ang tagumpay ng pelikulang Unexpectedly Yours, Christmas mode na ngayon ang isa sa mga naging bida nito na si Joshua Garcia.

Kuwento ni Joshua, nag-uumpisa na siyang mag-lista ng kanyang reregaluhan sa kanyang mga showbiz at non-showbiz friends.

"Siguro sa showbiz ang reregaluhan ko si Vice (Ganda). Naging kaibigan ko siya ngayon 2017 na mas naging malalim," sabi ni Joshua.

Bukod sa kanyang mga kaibigan, espesyal din daw ang naiisip na regalo ni Joshua para sa kanyang ama ngayong Pasko.

 

Happy Father's Day Papa! ♥️

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

 

"Hindi ko alam ang ireregalo ko sa kanya kasi nung birthday niya ang regalo ko pwesto pa lang eh kasi hindi ko pa kaya restaurant eh. Kasi ang ginagawa niya sa bahay nagbabantay ng anak ng ate ko," ani ng binata.

Isang out-of-the-country trip naman ang kanyang regalo para sa sarili.

 

"Out of the country this year din," matipid na sagot ni Joshua dahil ayon pa sa binata ay sikreto daw muna ito sa ngayon.

Samantala, tuluy-tuloy pa din sa pagpalo sa ratings tuwing gabi ng The Good Son kung saan isa sa mga bida si Joshua. Patikim na kuwento ng binatang aktor kung sino nga ba ang pumatay sa karakter ni Albert Martinez na kanyang ama sa programa, "Hindi pa natin alam. Nag iiba-iba kasi eh! Noong umpisa eto ang pumatay, pwede nila baliin eh kung sino ang pumatay pwede din ako. Basta abangan natin," pahayag pa ng aktor.