JC Santos puring-puri ni Vic Sotto

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/20/2017 9:41 AM
JC Santos puring-puri ni Vic Sotto


 

Feeling blessed ngayon ang aktor na si JC Santos sa magandang pasok ng 2017 sa kanyang showbiz career.

Matapos kasi ipakilala bilang si Ali sa teleserye ng JaDine na Till I Met You, patuloy ang pagdating ng mga proyekto, kabilang ang Isang Daang Tula Para Kay Stella na certified blockbuster noon sa takilya.

Ngayon naman ay napabilang siya sa isa sa mga pelikulang kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival, ang Meant To Beh na pinagbibidahan ni Vic Sotto at Dawn Zulueta.

 

My wonderful #MeantToBeh Family 😍😍😍 #MMFF2017 #MMFF @meanttobehthemovie

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

 

"Wala po sa aking isip na makakatrabaho ko ang katulad nila Bossing Vic Sotto and Miss Dawn Zulueta. Kasi po ang pangarap ko lang po talaga noong una ay ang mag-teatro," pahayag ni JC.

Ayon pa sa aktor, hindi pa din daw siya makapaniwala na pinaghuhugutan niya ngayon ng inspirasyon ang kanyang mga iniidolo noon.

 

Naeexcite ka na bang makilala si Christian? Abangan ang #MeantToBeh ngayong Pasko! #mmff2017

A post shared by Meant To Beh (@meanttobehthemovie) on

"Ngayon po sobra na nga po ata talaga. Nakaka-overwhelm na po actually. Sobrang suwerte ko po. Lagi ko po itong pinagdarasal and I'm very, very grateful for what is happening to me now. Napaka suwerte ko po talaga, dati gusto ko lang po sila makasama, pero ngayon ito na. Kaya sobrang suwerte ko dahil kasama ko sila (Vic and Dawn). Very inspiring to work."

Dahil sa dedikasyon ni JC sa kanyang trabaho, labis din na humanga sa kanya ang veteran comedian na si Vic Sotto.

"Dagdagan ko lang, basically mabait itong batang ito e. Mabait siya, mabait sa pamilya, mabait sa magulang, masipag, seryoso sa ginagawa niya at very talented," sabi ni Vic.

"Pagkaganyan ang mga artista, yan ang mga nagtatagal. He can act, he can sing at ang gusto ko sa kanya mahal niya ang ginagawa niya," pahayag ni Bossing.

Mapapanuod ang Meant To Beh sa darating na December 25. Mula sa direksyon ni Chris Martinez.