• Home
  • Fresh Scoops
  • 'Momshies' find “Born Diva” champ Raki Vega in Disneyland

'Momshies' find “Born Diva” champ Raki Vega in Disneyland

The former talent show winner is now an OFW.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/2/2017 9:17 AM
'Momshies' find “Born Diva” champ Raki Vega in Disneyland


 

Si Raki Vega ay itinanghal na grand champion sa 2004 talent search show na “Born Diva” at talaga namang pinatunayan niyang she’s a born Diva dahil hindi man aktibo sa telebisyon ngayon, siya ay bida na sa Hong Kong Disneyland.

Kwento ni Raki, pitong taon na siyang nagta-trabaho sa Disneyland at lead cast na siya ngayon ng “Mickey and the Wondrous Book.”

"I'm a vocalist sa show here, it's called 'Mickey and The Wondrous Book.' I am the guardian of the book and I also do special events here in Hong Kong Disneyland," kwento ni Raki sa Magandang Buhay hosts na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Bukod dito, kinakanta rin niya ang “Happily Ever After,” ang theme song ng Hong Kong Disneyland para sa ika-sampung anibersaryo nila.

Si Raki rin ang kumanta sa “Ikaw ang Aking Pangarap” na theme song ng teleseryeng Lobo.