• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Paulo Avelino, nagpaalam kay Coco Martin bago tanggapin ang isang product endorsement

EXCLUSIVE: Paulo Avelino, nagpaalam kay Coco Martin bago tanggapin ang isang product endorsement

Paulo Avelino nais lang ituloy ang pag-alaga ni Coco Martin sa product endorsement.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/2/2017 10:56 AM
EXCLUSIVE: Paulo Avelino, nagpaalam kay Coco Martin bago tanggapin ang isang product endorsement


Photo credits to left: johnnydls68 IG right: mrcocomartin IG

 

Ang akala namin ay nagbibiro lang si Paulo Avelino nang sabihin niya on stage habang iniinterbyu ni Kuya Boy Abunda sa launching ng Revitalized Davao Lifestyle Magazine kung saan siya ang cover, na kinausap muna niya si Coco Martin bago niya tinanggap ang isang endorsement.

Totoo pala talagang kinausap niya ang FPJ’S Ang Probinsyano at Ang Panday lead actor para magpaalam at magpasintabi na siya ang papalit bilang celebrity endorser ng RDL Pharmaceutical Laboratory Inc.

Paulo is now the new face of RDL papaya soap.

“Hindi ako nagbibiro. Kinausap ko talaga si Coco bago ko tinanggap itong offer na maging endorser ng RDL,” sey niya sa PUSH.

Dagdag pa ng aktor, “Kasi six years na dala ni Coco ‘yung brand, eh. So parang six years ding inalagaan ni Coco, eh. Parang feeling ko napagmanahan ako.

“So, medyo ingat din ako at gusto ko ring alagaan dahil ayoko namang sirain ang binuo ni Coco.

“Coco Martin is Coco Martin. Medyo nakahihiya nga na ako ang pumalit sa kanya. Mabuti na rin siguro dahil nakita ko rin kung paano inalagaan ni Coco ang brand. Gusto ko ring ituloy yun,” paliwanag pa ni Paulo.

Ang RDL Pharmaceutical pag-aari ng pamilya ni Mercedita Lim ng Davao na unang nakilala noon ng publiko sa paggawa ng astringent.

Pang-ilang product endorsement na ba ito ni Paulo?

“Konti pa lang. Wala naman akong masyadong endorsements na katulad ng ibang artisa,” pa-humble pa niyang pahahayag.

Pero kung anuman daw ang produktong iniendorso niya ay sigurado naman daw na ginagamit niya at naniniwala siya dito.

“Masaya ako kasi ang mga produktong ine-endorse ko ay mga produktong ginagamit ko talaga o gagamitin talaga. Kaya masaya ako na kahit paano, ang mga naibibigay sa akin na produkto, eh, ginagamit ko rin.

“Ang mahalaga sa akin kapag nag-e-endorse, ako, eh, yung nagagamit ko. Tsinek ko rin muna, okey naman. And so far hindi naman sensitive ang skin ko, tapos yung papaya soap ng RDL mild lang siya at saka for everyday use talaga,” paniniguro pa niya.

Samantala, nagsilbing host ng event ng RDL na ginanap sa Seda Vertis North si Boy Abunda. Bukod sa magazine launch ay in-introduce din sa guests through a fashion show ang proudly Davaoeno-made na local bags and accessories na mabibili naman sa Merce Boutique na isang one stop souvenir and specialty shop na matatagpuan sa White Plains, Quezon City.

Ang promising Star Magic artist na si Jane de Leon at aktor na si Ced Torrecareon naman ang kanilang brand ambassadors.