• Home
  • Fresh Scoops
  • Derek Ramsay, type makasama si Angelica Panganiban sa isang proyekto

Derek Ramsay, type makasama si Angelica Panganiban sa isang proyekto

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/2/2017 10:20 AM
Derek Ramsay, type makasama si Angelica Panganiban sa isang proyekto


 

Isa si Derek Ramsay sa mga mapapanuod ngayong 2017 sa Metro Manila Film Festival sa pelikulang All of You kasama si Jennylyn Mercado.

Sa naging panayam na ito sa grand media conference ng kanyang MMFF entry, masaya at looking forward ngayon ang hunky actor sa kanyang napipintong pagbabalik pelikulang kapamilya.

 

#allofyou #mmff2017 #officialposter

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

"Yes I sat down with [the] management of ABS-CBN. It's just to finally talk about what happened. Matagal na sana nangyari yun pero I'm very, very happy na we are able to sit down in one room and squash whatever was there," bungad ni Derek.

Thankful din ang aktor sa pagkaroon niya ng pagkakataon na makausap muli ang mga executive ng dating mother network.

"This is more to courtesy call to Sir Gabby Lopez, because I will be doing nga the movie with Star Cinema and I'm really appreciative of Star Cinema and of course my network TV (TV5) kasi pinayagan ako ng TV5 ng walang pahirapan. They allowed me to do the movie because they want me to keep going as an actor and they allowed me to do this. One step at a time," pahayag ni Derek.

Ibinahagi din ni Derek ang ilan sa proyektong napipinto niyang gawin sa Star Cinema.

 

Derek Ramsay, Bea Alonzo at Paulo Avelino, bibida sa isang pelikula. Abangan ang mga detalye sa PUSH!

A post shared by Push (@pushalerts) on

"I'm doing a movie with Bea Alonzo and Paulo Avelino for Star Cinema..." ani pa ng actor.

Dagdag pa ni Derek, labis din ang kanyang naramdamang excitement ng muli siyang bumalik sa ABS-CBN matapos ang ilang taon.

 

Congrats on your new movie under Star Cinema, #RSBDramaUnit Head Ruel S. Bayani! ❤

A post shared by RSB DRAMA UNIT (@rsbdramaunit) on

"It's nice to walk down the hallway, its nice to chat with Sir Gabby (Gabby Lopez), Tita Cory (Cory Vidanes) and Tita Malou (Santos), especially Tita Malou. She was the one who told me that I have the eyes and I have the talent for this industry. I told Tita Malou na matagal ko na siyang gustong makausap. We had a long, long hug when we saw each other and we are very, very happy that we are able to put that away that part of history," pagbabahagi pa ni Derek.

Sa kanyang muling paggawa ng proyekto sa ABS-CBN, naging biruan kung muli na ba niyang nakita ang kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

"No, yung poster lang (laughs),” sambit pa ni Derek.

Sa usapin naman ng posibilidad na pagsasama nila ni Angelica isang proyekto, ito naman nag naging sagot ng aktor.

"Yeah of course that would be an honor. She's a brilliant actress so I'd like to work with her ‘pag tama ang pelikula. I think Angel feels the same way, too. Yes, that would be great," pagtatapos na pahayag ni Derek.

Mapapanuod ang All of You sa pag bubukas ng 2017 Metro Manila Film Festival ngayong December 25. Mula sa direksyon ni Dan Villegas.