• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban: ‘Ngayon ko lang siguro nae-enjoy talaga na maging mag-isa’

Angelica Panganiban: ‘Ngayon ko lang siguro nae-enjoy talaga na maging mag-isa’

Angelica Panganiban is happy being single

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/2/2017 11:15 AM
Angelica Panganiban: ‘Ngayon ko lang siguro nae-enjoy talaga na maging mag-isa’


 

Sa TV Patrol, ibinahagi ni Angelica Panganiban ang saya niya sa kanyang mga adventures ngayong taon. “Ano pang gagawin ko? Parang sobrang happy na ako. Parang ang dami kong nagawa within a year.” Ilan sa mga napauntahang lugar ni Angge ngayong taon ang Bhutan, Nepal, at Siargao.

Masaya din daw si Angge sa pagiging single. Matatandaan na March 2016 nang kinumpirma ni John Lloyd Cruz ang breakup nila ni Angge. “Di ba after nun parang iiyak ka ganyan, then after kapag nagdecide ka na hindi na tama na, dun pala talaga pala papasok yung mmm okay pala ha…”

Choice din diumano ni Angge ang pagiging single.  “Pag may namimeet ako talagang hi, parang talagang barkada yung nagiging approach ko. So wala ako nakikita na, ngayon a, walang spark sa kahit na kanino.”

Dagdag pa niya, “Di ba kasi sobrang tagal ko nang in a relationship. And ngayon ko lang siguro naeenjoy talaga na maging mag-isa.”