• Home
  • Fresh Scoops
  • Alfred Vargas, na-shock sa pagkaka-X rating ng ginawang advocacy film

Alfred Vargas, na-shock sa pagkaka-X rating ng ginawang advocacy film

Alfred Vargas nais isulong ang inclusive education para sa kabataang Pinoy.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/2/2017 10:09 AM
Alfred Vargas, na-shock sa pagkaka-X rating ng ginawang advocacy film


Photo credits to alfredvargasofficial IG

 

Isang advocacy film about the value of education ang Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa na pinagbibidahan ni Quezon City Cong. Alfred Vargas na ipinalabas sa 2017 Cinemalaya festival. Pero nanganib itong hindi maipalabas sa mga sinehan on December 6 dahil binigyan ito ng X rating ng MTRCB.

“Siguro, I leave it up to the agency kung ano yung desisyon ng MTRCB. Para sa akin, ang batas ay batas, sundin natin and hindi tayo puwedeng magreklamo unless baguhin yung batas,” reaksyon ni Alfred sa naging desisyon ng MTRCB.

“Ako naman, I respect their decisions, kasi trabaho nila yan. Ako, ang trabaho ko bilang aktor, ibibigay ko lahat and ganun din kami. Nasa kanila nakasalalay yung desisyon kung makakabuti ba sa mga bata or sa audience in general.

“So ako, I respect their decision and I respect their decision more nung naging PG13 na kami,” lahad pa niya.

Matipid naman ang naging reaksyon ng director ng pelikula na si Perry Escano sa pagkaka-X ng kanyang obra.

“Sana sa MTRCB, huwag nilang i-limit na kapag bloody, hindi na ipapalabas. Kasi yung artistic freedom dapat hindi rin nasa-sacrifice,” sey naman niya.

Tanong ng PUSH kay Alfred, sanay ka na ba na nai-X ang mga pelikula mo?

“Actually, hindi talaga ako sanay nai-X,” reaksyon niya. “Ikinagulat ko talaga yung Rated X. Yung ginagawa ko dati sa Seiko (Films) hanggang R-16 lang,” sabay tawa ng actor-politician.

Dagdag niyang kuwento, “Nagulat talaga ako kasi nagkukwentuhan kami ni Direk Perry, yon yung totoong nangyayari, eh, tapos ni-research talaga at kailangan nating ipakita , so papaano yon?

“To be fair naman with MTRCB, ipinakita naman nila kung bakit. Tapos kami, ginawa rin naman namin yung sinabi nila para mapanood ang pelikula ng mga tao kesa naman hindi na maipalabas at mapanood ng mga tao.

“You can just imagine kung gaano kami na-disheartened kasi pinaghirapan namin, eh. Actually, yung physical requirement nung acting lalo na yung mga batang child warriors namin, ginawa nila yung totoo talaga, eh.”

Dahil sa naturang advocacy film ay mas pinaigting ni Alfred na maipasa ang House Bill na ginawa niya: ang Inclusive Education Act.

“Alam kong maraming Pilipinong kabataan ang makikinabang kapag naisabatas na ang Inclusive Education Act,” paniniguro niya.

“That’s the House Bill I filed at approved na siya sa isang committee tapos isang committee na lang malapit na siyang ma-approve. Basta batang Pilipino ka may access ka dapat to Inclusive Education,” susog niya.

Four years namahinga sa paggawa ng pelikula si Alfred. Comeback movie niya ang Ang Guro Kong Di Marunong Mabasa.

“Ako, right now, ang priority ko talaga is my job in public service. And sinabi ko sa sarili ko, I will only accept roles na which I think, can better me as an actor and which can show my talent.

“So ako, hindi pa rin naman ako titigil sa paggawa ng iba’t ibang klaseng mga proyekto. I will never seize to act and accept challenging roles and I will never stop to practice my craft and my passion,” huling pahayag ni Alfred sa PUSH.