• Home
  • Fresh Scoops
  • 43rd MMFF entry ‘All of You’ magbabalik ng kilig sa Kapaskuhan

43rd MMFF entry ‘All of You’ magbabalik ng kilig sa Kapaskuhan

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/19/2017 9:40 AM
43rd MMFF entry ‘All of You’ magbabalik ng kilig sa Kapaskuhan


 

Muling nagbabalik ngayong taon ang tambalan na unang nagpakilig noon sa 2014 Metro Manila Film Festival romantic comedy film na English Only Please na sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay para sa kanilang pelikula na All of You.

Kumpara sa English Only Please, mas mature ang magiging papel nina Derek at Jennylyn sa kanilang balik-tambalan para sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ang All of You ay tungkol sa isang babae at isang lalaki na kapwa umaasa na matatagpuan ang kanilang mga special someone sa isang dating application na napapanahon ngayon sa mga millennials.

Ito na ang ika-tatlong taon ni Jennylyn Mercado sa MMFF kung saan siya itinanghal bilang Best Actress sa magkasunod na taon para sa mga pelikulang English Only Please noong 2014 at Walang Forever ng 2015.

Mapapanuod ang All of You sa pagbubukas ng 43rd Metro Manila Film Festival ngayong December 25 sa direksyon ni Dan Villegas.