Will Piolo Pascual be producing international movies next?

Piolo says he has talked with various Asian producers and actors at the recent Variety Asian Stars Up Next Awards in Macau.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/18/2017 9:14 AM
Will Piolo Pascual be producing international movies next?


 

Masaya at proud na ikinuwento ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual ang kanyang naging experience sa katatapos lang na international film festival and awards ceremony sa Macau kung saan tumanggap siya ng pagkilala bilang isa sa 10 Asian Star ng Up Next Awards for 2017.

Ayon kay Piolo, walang kapantay na kasiyahan ang kanyang naramdaman sa pagkilala na ibinigay sa kanya ng international film festival.

"Ang sarap ma-recognize and mabigyan ka ng karangalan especially dala mo pa ang pangalan ng bansa natin kaya for me it is just one way of showing na very active talaga ang entertainment industry natin." sabi ni Piolo.

PHOTOS: Piolo Pascual receives 10 Asian Star Up Next Award in Macau 

Ani pa ni Piolo, naging daan din daw ang international film festival upang makilala niya ang ilan sa malalaking International film producers.

"It was a good experience. I was able to chat a lot of movie producers, iba ibang tao kasi they chose from different countries and there's one producer who is willing to partner up with us," saad pa ng aktor.  

Bilang movie producer, looking forward din daw si Piolo na maumpisahan ang ilang proyekto kung saan posible pang makatrabaho niya ang ilan sa malalaking Asian stars.

"Yes marami na akong nakausap, mag-reply na lang sila sa e-mail, then we will finalize kung ano ang mga concept, even doon sa mga actors na nakasama ko, marami din kami napag-usapan na mga projects na pwede i-collaborate ang concept. I'm just really excited sa mga ganitong pagkakataon na minsan lang mangyari sa buhay mo so you got to grab it," paliwanag ni Piolo. 

At kung matutuloy nga ang mga ito, positibo din daw si Piolo na magiging magandang simulain ito para sa antas ng pelikulang Pilipino.

"It was very interesting conversation, it’s more of advancing the film industry for the Philippines and also how we can impact the global market.”