• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal masaya sa balitang boto sa kanya ang ama ni Iñigo Pascual na si Piolo

Maris Racal masaya sa balitang boto sa kanya ang ama ni Iñigo Pascual na si Piolo

Inaming ng young star na may ‘mutual understanding’ sila ni Inigo.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/18/2017 4:30 PM
Maris Racal masaya sa balitang boto sa kanya ang ama ni Iñigo Pascual na si Piolo


 

Hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na pahayag si Maris Racal kung sila na ba talaga ni Inigo Pascual. Ayon sa dating PBB teen housemate at isa sa mga bida ng Metro Manila Film Fest movie na Haunted Forest, pangit daw tingnan kung babae ang aamin.

“Mahirap yon for a girl na siya yung unang aamin. Kasi, siyempre, as a girl, gusto pa rin natin na ‘yung lalaki ang magsabi, siya ‘yung mag-effort and siyempre, ayoko namang mag-stick sa norm na MU (mutual understanding) and ano,” paliwanag ng dalaga.

Iginiit din ng aktres na ang meron lang daw sila ngayon ni Inigo ay mutual understanding o MU.
“Siguro puwede ring exclusive kami sa isa’t isa, pero yung label na girlfriend-boyfriend, hindi eh,” lahad pa niya.

Ibig bang sabihin, kapag umamin na si Inigo na mag-on sila ay mag-a-agree siya?
Aniya, “Medyo mahaba ‘yung pag-uusapan namin tungkol diyan,”  reaksyon niya na nakangiti.

Hindi naman itinanggi ni Maris  na kahit 2 months pa lang silang mag-MU ni Inigo ay may mga nagsasabi sa kanya na boto si Piolo Pascual na maging girlfriend siya ng anak nito.

Pahayag niyang halatang kinikilig, “Nakakatuwa po, sobra, kasi sobrang bait nung tao talaga and everytime na nagkakasalubong kami sa ASAP or somewhere na magkasama po kami, nahihiya talaga ako and very mabait siya sa akin and nang-aasar po siya sa akin.”

Eh, sa tingin niya, sino ba ang mas guwapo -- si Piolo ba o si Inigo.

“Si Inigo,” walang kagatul-gatol niyang sagot.

Samantala, nakakaramdam din ng pressure si Maris sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikula nilang Haunted Forest na pinagbibidahan din nina Jane Oineza, Jameson Blake at Jon Lucas.

“Nung nalaman ko po nakasama kami sa MMFF, siyempre, I was very happy pero kasama na din po don yung pagiging pressured kasi siyempre, ang lalaki ng mga kalaban namin.

“Pero naniniwala naman po ako na may mga supporters din yung movie namin at lahat ng movie pag filmfest pinapanood talaga ng mga tao.  At saka, kami lang po yung horror and I’m sure marami ring taong mahihilig sa adventures na gustong matakot,  so sana suportahan po nila kami,” pahayag pa niya.

Ang Haunted Forest ay produced ng Regal Entertainment at kasama rin sa pelikula sina Raymart Santiago, Myrtle Saroza at Joey Marquez. The film is directed by Ian Lorenos.