Kylie Verzosa nahiya makipaghalikan kay Coco Martin

First time na sumabak sa pag-arte sa Ang Panday ang 2016 Miss International na si Kylie Verzosa.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/16/2017 2:05 PM
Kylie Verzosa nahiya makipaghalikan kay Coco Martin


 

Masaya ang beauty queen na si Miss International 2016 Kylie Verzosa na mapabilang sa cast ng much-awaited Metro Manila Film Fest (MMFF) entry na Ang Panday.

"Sobrang thankful ako sa chance na binigay sa akin ni Direk Coco Martin and the team, unang experience ko ito sa acting, sa movie and sa taping una lahat," sabi pa ni Kylie na gumanap bilang isang diwata sa pelikula.

Aminado din ang beauty queen-turned-actress na labis siyang kinabahan sa kanyang mga naging eksena kasama si Coco.

 

Ang Panday will premiere on December 25! See you there! ❤️🎥 #MMFF

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa) on

"Medyo nakakakaba, pikit-mata kong pinanuod ang scene ko, pero thankful ako kasi maganda yung kinalabasan," ani ng dalaga.

Naging biruan din sa kuwentuhan kung kamusta ang naging kissing scene nila ni Coco Martin.

"Nahiya po ako, pero beso lang po (laughs)," masayang pahayag pa ni Kylie.

Matapos ang kanyang unang pelikula na Ang Panday, opisyal na din na pumirma si Kylie ng management contract at movie contract sa Viva Artist Agency. Labis niya ngayong kinasasabikan ang kanyang pag papatuloy na pagpasok sa showbiz.

Mapapanuod ang Ang Panday ngayong December 25 sa direksyon ni Rodel Nacancieno.