Coco Martin handa ba gumawa ng sequel ng ‘Ang Panday’?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/16/2017 9:47 AM
Coco Martin handa ba gumawa ng sequel ng ‘Ang Panday’?


 

Masayang-masaya ang Idolo ng Masa na si Coco Martin dahil sa papuri na kanyang natatanggap para sa kanyang first directorial project na Ang Panday.

Isa ang Ang Panday sa mga mapapanuod sa Metro Manila Film Festival 2017 at ito din ang first movie ng actor bilang sabay-sabay na producer, writer, director, at lead actor.

Kaya naman labis umano na nabawasan ang kaba ni Coco nang una itong napanuod ng ilang miyembro ng entertainment press at ng buong cast ng Ang Panday kabilang na si Susan Roces na biyuda ni Fernando Poe Jr, ang original na Panday.

"Nabawasan ng kaba. Honestly kay Tita Susan ako pinaka-ninenerbyos kasi from the very start, humingi ako sa kanya ng blessing at approval na gagawin ko nga ulit ang Ang Panday. And after that, tinulungan niya ako siyempre baka mamaya hindi ko naibigay ng tama ang gusto niya makita," sabi ni Coco.

 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Aminado si Coco na ibinuhos niya ang lahat ng kanyang kaalaman upang maging maganda ang kanyang unang pelikula bilang direktor.

"Ayaw ko kasing masira sa kanya. After kasi ng Ang Probinsyano ngayon naman ang Ang Panday nga. Gusto ko ma-appreciate niya ang ginawa ko," paliwanag ni Coco.

Bilang producer naman, wala din daw eksaktong budget na inilaan si Coco para sa kanyang unang pelikula.

"First movie ko ito, gusto ko ibubuhos ko lahat gusto ko para pag napanuod nila maganda. Wala naman kasi akong inano na budget e, hindi ko nilimitahan na hanggang dito lang ako. Kaya sabi ko nung nag-uumpisa pa lang ako, ako muna, sabi ko if ever na nagustuhan niyo, basta sinabi ko ako lang muna lahat," saad pa ni Coco.

Dahil positibo ang natatanggap na komento, naging tanong din kay Coco kung posible ba gumawa siya ng sequel ng Ang Panday.

"(Laugh) Sa ngayon titignan natin," pahayag ni Coco.