• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos reveals the reason she was not able to attend Ai-Ai delas Alas’s wedding

Vilma Santos reveals the reason she was not able to attend Ai-Ai delas Alas’s wedding

Vilma Santos also explains why she voted for the extension of Martial Law in Mindanao.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/15/2017 9:08 AM
Vilma Santos reveals the reason she was not able to attend Ai-Ai delas Alas’s wedding


Photo credit: @sanchovito (R) IG

 

Hindi nakadalo si Congresswoman Vilma Santos sa kasal ng kaibigang si Ai-Ai delas Alas noong December 12. Pero ayon sa Star for all Seasons ay naintindihan naman daw siya ni Ai-Ai.

May iniindang sakit sa tuhod si Vilma na nagsimula pa noon sa Vilma when she was still doing dance numbers.

Aniya, “Sa Vilma, naalala mo, napunit yung meniscus ko. Kailangan daw operahan yun, kaya lang hindi inoperahan kasi huminto na ako ng Vilma dahil magbubuntis na ako kay Ryan.

“Pero sinabi ng doctor, pag hindi inoperahan yan, babalik at babalik yan. Pero pag hindi pa ito nawala bago mag-New Year, ie-MRI kasi namamaga yung tuhod.”

Patuloy niyang pahayag,  “I have to take care of myself. Pag hindi na kaya ng katawan ko, magtampo na ang iba but what can I do? Yon lang ang kaya ko.

“Hindi namin problema ni Ai yon. Alam niya yon.”

Kakatapos lang ng joint session ng Senate at Congress nang makausap namin si Ate Vi sa kanyag opisina at ipinaliwanag niya sa PUSH kung bakit bumoto siya ng yes para sa Martial Law extension.

“I voted yes sa extension (ng Martial Law) kasi, unang-una, I’m a Reservist – lieutenant colonel ako ng Reservist sa Air Force mula pa nung mayor ako hanggang governor.

“Malaki ang passion ko sa mga men in uniform. Nakita ko kung papaano nagpakahirap yung mga sundalo para mabawi lang yung Marawi.

“Secondly, wholeheartedly, malapit sa akin at gusto ko in my own little way makatulong ako sa Mindanao. So, kung ang pagboto ko ay makakatulong na ma-extend ang Martial Law para matulungan ang mga pangangailangan ng ating mga sundalo gayun din yung ating mga kababayan sa Mindanao, malaking bagay sa akin kung dito ako makakatulong,” paliwanag ng kongresista.

Naniniwala rin ang actress-politician na hindi naman umabuso ang mga sundalo sa Mindanao nung unang idineklara ni Pangulong Duterte sa lugar ang Martial Law.

“Wala namang abuso the last time, eh, di ba? Wala namang significant na masasabi mong… Iba yung Martial Law noon, iba yung Martial Law ngayon.

“This one is just to contain the law enforcement, peace and order in Mindanao. Please give that support, yon ang kailangan nila.

“Pinakiusapan din kami ng mga Mulsim brothers and sisters natin dito na suportahan namin yon because they need it. So, nandito ako to support it. Wag lang mag-o-over board. Wag naman. We are just talking about Mindanao, yon lang ang akin,” deklara pa sa PUSH ni Vilma.