• Home
  • Fresh Scoops
  • OPM rock icons magasasama-sama para sa isang Christmas concert

OPM rock icons magasasama-sama para sa isang Christmas concert

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/15/2017 9:12 AM
OPM rock icons magasasama-sama para sa isang Christmas concert


 

Magsasama-sama ang mga tinaguriang icon ng OPM na sumikat noong ‘70s na sina Heber Bartolome ng Banyuhan, Lolita Carbon ng Asin at Coritha ng Rock ‘70s Band sa isang free concert sa Malolos, Bulacan.

Sa pangunguna ni Heber na nagpasikat ng mga awiting “Tayo'y mga Pinoy”, “Nena”, at “Karaniwang Tao” ang onstage reunion na ito.

"Sa palagay ko dapat na muling marinig at balik-tanawin ang mga nakaraan sa pamamagitan ng mga relevant na awitin na parang umaakma muli sa ngayon," sabi ni Heber.

Ayon pa sa OPM icon, nais lamang nila na ipakilala sa bagong henerasyon ang kanilang musika.

"Sa panahon kasi ngayon ang mga kabataan, wala ng ginawa kundi ang maghawak ng kanilang mga telepono. Kaya kami naman nagbabaka-sakali lang na baka may maka-relate pa sa mga awitin namin na minahal ng mga kababayan natin noon."

Aawitin din ni Lolita Carbon ang mga hits gaya ng “Usok”, “Pagbabalik”, “Masdan Mo Ang Kapaligiran” at “Oras Na”. “Lolo Jose” at “Sierra Madre” naman ang pinasikat ni Coritha.

Mapapanuod ang Pamaskong Handog ng OPM Icons para sa Bulakenyo ngayong December 17 (Sunday) na gaganapin sa Open Park ng First Bulacan Industrial City sa Malolos, Bulacan.