Sharon Cuneta, gusto na nga ba magka-apo kay KC Concepcion?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/14/2017 11:16 AM
Sharon Cuneta, gusto na nga ba magka-apo kay KC Concepcion?


Photo credit: @reallysharoncuneta IG

 

All smiles si Megastar Sharon Cuneta sa naganap na thanksgiving media conference para sa success ng kanyang pelikula na Unexpectedly Yours na tumabo na ng 157 million sa takilya.

Kasabay ng success ng pelikula ang kabi-kabilang thanksgiving party para kay Megastar, kabilang na dito ang isang espesyal na dinner party na hosted ng kanyang panganay na si KC Concepcion.

 

Dinner at KC's new home last night. She prepared Spanish food for us all. 😊💕🌷💖

A post shared by Coach:TheVoice.phActressSinger (@reallysharoncuneta) on

"Yeah it was my first time to go to KC's condo. Si KC lahat naghanda noon. Sabi niya. 'Mama, I make pabili ng Spanish food kasi alam niya na gusto ko," masayang kuwento ni Sharon.

Ayon kay Sharon, memorable para sa kanya ang dinner na iyon dahil naging abala siya ng ilang beses para tapusin ang kanyang mga proyekto.

"It was my first time na nakakasama ako sa kanila. Actually, nanuod nga sila ng movie hindi ako nakasama. First time namin magsama lahat in a long time so it was fun," saad ng Megastar.

Happy naman daw si Sharon para sa kanyang anak na si KC na masayang namumuhay independently.

"She's been doing that since she was 18 and this was her second, actually third home here in Manila," ani pa ni Sharon.

Dahil dalaga na din ang mga anak niyang sina Frankie at Miel, nagbibiro si Sharon na parang hindi pa siya ready na maging independent ang mga ito.

 

"Sasama ako (laughs). Sinabi ko na yan pag may nag-study abroad sasama na ako," sabi pa ni Megastar.

Samantala, no pressure din daw si Megastar kay KC sa usapin ng pag-umpisa nito ng sariling pamilya. Aniya tiwala siya sa sariling desisyon nito sa buhay.

 

Grabbing from KC's IG. Swipe left for her caption! @robinhoodpadilla

A post shared by Coach:TheVoice.phActressSinger (@reallysharoncuneta) on

 

"Ayoko lang na ma-pressure si KC. Whenever she's ready, I'm not going to... she's a smart girl." pahayag ni Sharon.