• Home
  • Fresh Scoops
  • Madlang people ng Pampanga at Pangasinan pinasaya ni Vice Ganda

Madlang people ng Pampanga at Pangasinan pinasaya ni Vice Ganda

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/14/2017 11:12 AM
Madlang people ng Pampanga at Pangasinan pinasaya ni Vice Ganda


Photo credit: @olivezarate IG

 

Dinumog at pinagkaguluhan ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa kanyang naging pagbisita sa Pampanga at Pangasinan nitong weekend.

Ito ay para personal na anyayahan ang mga kababayan na manuod ng kanyang upcoming movie na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival, ang Gandarrappido The Revengers Squad.

Dito game na game din na nakikisaya si Vice sa madlang people na nag tiyaga na maghintay para sa kanyang pagbisita.

“Panata ko na ito tuwing pasko na magpasaya. Minsan sa isang taon lang naman ako gumagawa ng pelikula kaya ibigay na lahat ng katatawanan,” sabi ni Vice.

Gaganap si Vice bilang isang superhero kung saan makakasama niya sina Daniel Padilla at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ayon kay Vice, tiyak na marami ang makaka-relate sa kanyang karakter na si Gandarra.

"Lahat tayo kailangan ng superhero sa ating buhay kaya makaka-konek silang lahat kay Gandarra," pahayag ni Vice.

Mapapanuod ang Gandarrappido The Revengers Squad sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival ngayong December 25 sa direksyon ni Joyce Bernal.